Monday, March 8, 2010

Kuwento tungkol sa mundong ibabaw

Marami'ng namamatay araw-araw, sa iba diyan wala lang iyon.
57 namatay sa Turkey at napakarami sa Chile. Ang sabi lang "ang dami namang namatay," at wala na, patuloy ang kasiyahan ng nag-sasabi at patuloy na nagkukuwentuhan. Noong panahon, kapag may namatay o pinatay ay talagang awang-awa o talagang nilalagay nila sa isip ang pang-yayari. Ehh ngayon, katulad ng Ampatuan Massacre ilang linggo lang nakalimutan na. Marami na ako'ng kinuwentuhan niyan, pero bali wala lang sa kanila. Hindi lang matatalino'ng tao, critical thinker, o mataas ang pag-iisip ang makakaintindi niyan ng mabuti, kahit kayo'ng simple lang. Ang sabi ng mga SCIENTIST, noong lumindol ay gumalaw ang mundo at nag-bago ang oras at umikli ang araw, ahm pero milliseconds lang ata? Bakit ganun segundo lang naman? Ano sa tingin mo umikli ba ang araw dahil nabawasan ng milliseconds ang araw. Aba oo, alangan na humaba ehh nabawasan. At sabi pa nila na medyo lalamig ang mundo. At eto pa malapit ng mag-simula ang digmaan ng Iran at Israel, bakit? Naniniwala ang Presidente o Prime Minister ng Iran na siya ang Pari o isinugo nga ba? at dudurugin nila o buburahin sa mapa ang Israel dahil sa kanilang paniniwala. At bakit marami'ng suicide bomber sa Afghan, Iraq. Bakit nga ba? Ang paniniwala nila kapag- marami silang napatay at kelangan nilang mang-gulo sa mundo'ng ibabaw upang mag-pakita na ang Messiahs ng Muslim at hindi kumpleto ang Quran at ito daw ang patuloy ng Quran na gawain upang lumitaw ang Messiahs.
At sumali ang Russia sa pag-aaway ng Israel at Quran at parehas sila ng paniniwala at buburahin ang Israel sa mundo. At binantaan ang Amerika na ialis ang kanilang puwersa sa Iran kung ayaw nilang madamay sila sa gulo. At napakarami nga namang Nuclear Warheads ang Russia at malalakas na mga armas na kaya'ng gumunaw sa buong mundo. At maari'ng magka-World War III, kapag sumiklab ang gulo at mas matindi pa sa naganap na World War dahil Nuclear at malalakas na bomba, rocket at mga tanke at jet ang mag-lalaban laban na bagong modelo. May totoo'ng relihiyon at huwad na relihiyon. Magkamuka ang Kristiyano at Muslim ng turo at mag-kaiba ng pangalan ng Diyos at paniniwala. At ang palabas na Avatar, ang tao ay natutulog napupunta siya sa isang Avatar o sabihin na nating panaginip. At kapag nagising ay napupunta sa tunay na mundo,at kapag-nagising ay napupunta sa realidad ang ibig sabihin lang ang tayo ay hindi makakatakas sa katotohanan o sa tunay na nang-yayari sa mundo. At kung may problema ka sa pag-ibig, aba may mas matindi pa na problema. Ang problema ng mundo ay problema ng lahat ng tao. Ang problema mo sa pag-ibig ay hindi problema ng mundo. Ano ba ang ibig sabihin nito? Hirap ipaliwanag ehh, hmm. Dagdagan ninyo nalang example ko na ito: Ang pag-papatayan, ang pag-kasira ng kagubatan, ang kasamaan at kasalanan sa mundo, ang digmaan at iba pa. Eto nalang pala ulit ulit mo nalang basahin ang tanong ko tungkol sa problema at patuloy ka'ng humanap ng sagot na talaga'ng tumpak na kasagutan sa aking tanong.
Marami'ng takot mamatay, ang siya'ng walang alam sa katotohanan o sa libro ng Diyos. Siguro'y hindi mo alam ang sinasabi ko, dahil puro nalang kasiyahan ang ginagawa mo at ang palagi mo'ng nakikita ay kasiyahan at kakaiba ang gawain ng relihiyoso dahil puro Diyos,Impiyerno at kabutihan ang itinuturo. Tungkol sa Impiyerno at Paraiso parang hindi totoo diba? At kapag nakikita mo ang mga nag-bibible study yumuyuko,pumipikit at nananalangin na para'ng baliw kung titignan para sa wala'ng alam sa katotohanan.
Pero ang may alam sa katotohanan tungkol sa Kaniyang pangako, ay hindi takot matakot. Bakit? Alam nila ang katotohanan sa isa'ng pag-asa sa mga nag-balik loob sa Kaniya at umalam ng kaniyang Salita at nag-sakripisyo ng kanilang oras, at lumayo sa tukso ng masayang gawain pero kasalanan. Pero may isa'ng pangako na tutuparin.
Kung hindi totoo ang Paraiso, subukan mo ang WitchCraft at papatunayan ko'ng totoo ang libro ng kadiliman at kabutihan.
Tayo ay nasa mundo ng laro.

No comments:

Post a Comment