Tuesday, March 9, 2010

Dapat ba Kayong Maniwala sa Trinidad?

Hmm, ito ay gawa ko at ng aking organisasyon at galing sa Bible.
Saan nga ba nang-galing ang Trinidad? Diba sa Roman Catholic, hmm. at may nag-protesta at umalis sa Catholic at gumawa ng sarili'ng relihiyon. At saan nang-galing ang mga turo ng mga umalis sa Roman Catholic, sa Catholic din ang iba katulad ng Trinidad. Kumbaga ahm kumalat lang o dumami ang pag-tuturo ng mali. Pero nabawasan ang mali'ng turo noong sila ay umalis sa Roman Catholic Church ang pag-samba sa rebulto o kahoy. Hmm hindi ko na pahahabain kasi ang topic ay ito nasa ibaba, 2 weeks namin ito'ng ginawa pagkauwi galing school 7 hours a day sa loob ng 2 weeks:
Marami'ng mali'ng turo ang natutuhan na dapat na hindi na matutunan o paniwalaan pa, marami'ng tamang turo ang dapat matutunan. Take time to investigate for yourself. Hindi ko kayo pinipilit na maniwala sa Topic na ito, basta ako po ay namamahagi lang ng Salita ng Diyos. Binigyan tayo ng Diyos ng freewill. Ang Tetragrammaton,YHWH o Jehova,Yahuwah,Yahweh, ba ay nakasulat sa orihinal na teksto ng Bibliya? Aba oo, iyan ang pangalan ng Diyos. Kayo nalang umalam kung totoo ang sinasabi ko. Na ang pangalan ng Diyos ay nakasulat sa orihinal na scriptures ng Diyos.


Dapat ba Kayong Maniwala sa Trinidad?
Si Jesu-Kristo ba ang Diyos na Makapangyarihan-sa-Lahat?

Malimit sabihin ng mga tao na sila ay naniniwala sa Trinidad, subalit iba-iba ang pagkaunawa nila rito.

Ano ba, talaga, ang Trinidad?

Si Jesu-Kristo ba ang Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat at isang bahagi ng Trinidad?

Kaliwa: Eskulturang Ehipsiyo mula noong ikalawang milenyo (B.C.E) Trinidad nina Amon-Ra, Ramses II, at Mut. Kanan: Ikalabing-apat na siglong (C.E). Kanan: Ikalabing-apat na siglong (C.E.) eskultura ng Trinidad nina Jesu-Kristo, ng Ama, at ng banal na espiritu. Pansinin, tatlong persona subalit apat lamang ang paa.

Dapat ba Kayong Maniwala Rito?

NANINIWALA ba kayo sa Trinidad? Karamihan sa Sangkakristiyanuhan ay naniniwala. Sa katunayan, ito ang pinakamahalagang doktrina ng mga iglesia sa loob ng maraming dantaon.

Dahil dito, iisipin ninyo na wala nang alinlangan tungkol dito. Subalit mayroon, at kailan lamang ang pagtatalo ay lalong pinalubha ng ilan sa mismong mga tagapagtaguyod nito.

Bakit hindi sapat ang basta pahapyaw na interes sa paksang ito? Sapagkat sinabi mismo ni Jesus: “Ito ang walang-hanggang buhay: ang kilalanin ka, na tanging tunay na Diyos, at si Jesu-Cristo na iyong isinugo.” Kaya ang buong kinabukasan natin ay nasasalig sa pag-alam sa tunay kalikasan ng Diyos, at humihiling ito ng pagparoon sa pinakaugat ng pagtatalo sa Trinidad. Bakit nga hindi ito suriin para sa sarili?- Juan 17:3, Katolikong Jerusalem Bible (JB).

Sarisari ang umiiral na paniwala sa Trinidad. Sa pangkalahatan ang turo ay nagsasabi na ang Diyos ay may tatlong persona, ang Ama, Anak, at Espiritu Santo; gayunman, sila ay iisang Diyos. Sinasabi ng turo na ang tatlo ay magkakapantay, makapangyarihan-sa-lahat, at hindi nilikha, palibhasa’y lagi nang umiiral sa pagka-Diyos.

Ang iba naman ay nagsasabi na ang doktrina ng Trinidad ay huwad, na ang Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat ay nag-iisa sa pagiging hiwalay, walang-hanggan, at makapangyarihan-sa-lahat. Sinasabi nila na bago naging tao, si Jesus ay isang hiwalay na espiritung persona na nilikha ng Diyos, gaya ng mga anghel, kaya tiyak na siya ay may pasimula. Itinuturo nila na si Jesus ay hindi kailanman nakapantay ng Diyos na Makapangyarihan- sa-lahat sa anomang paraan; sakop siya ng Diyos mula noon at hanggang sa ngayon. Naniniwala rin sila na banal na espiritu ay hindi persona kundi ang espiritu ng Diyos, ang kaniyang aktibong puwersa.

Ayon sa mga tagapagtaguyod ng Trinidad ito ay salig hindi lamang sa relihiyosong tradisyon kundi sa Bibliya rin naman. Ayon sa mga kritiko ng doktrina hindi ito turo ng Bibliya, at isang autoridad sa kasaysayan ang mismong nagpahayag: “Ang[Trinidad] ay may ganap na paganong pinagmulan.”-The Paganism in Our Christianity.

Kung totoo ang Trinidad, paghamak kay Jesus na sabihing siya ay hindi kailanman nakapantay ng Diyos bilang bahagi ng pagka-Diyos. Subalit kung ang Trinidad ay huwad, paghamak sa Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat ang ituring na kapantay niya ang sinoman, at mas masahol, ang tawaging “Ina ng Diyos” si Maria. Kung ang Trinidad ay huwad, kawalang-galang sa Diyos ang magsabi, gaya ng sinasabi sa aklat na Catholicism na: “Kung ang Pananampalatayang ito ay hindi iingatang buo at walang-dungis [ng mga tao], tiyak na [sila] ay mapupuksa magpakailanman. At ito ang Pananampalatayang Katoliko: sinasamba natin ang isang Diyos sa Trinidad.”

Kaya, may mabubuting dahilan kung bakit dapat ninyong hangarin ng malaman ang totoo tungkol sa Trinidad. Subalit bago suriin ang pinagmulan at pag-aangkin nito sa katotohanan, mas mabuting kunin ang ispesipikong katuturan ng doktrinang ito. Ano nga ba ang Trinidad? Papaano ito ipinalilwianag ng mga tagapagtaguyod nito?

Papaano Ipinaliliwanag ang Trinidad?

SINASABI ng Iglesia Katolika Romana: “Ang Trinidad ay katagang nagpapakilala sa pinakamahalagang doktrina ng relihiyong Kristiyano . . . Kaya, ayon sa Kredong Atanacio: ‘ang Ama ay Diyos, ang Anak ay Diyos, at ang Banal na Espiritu ay Diyos, ngunit hindi tatlo ang Diyos kundi iisang Diyos.’ Sa Trinidad . . . ang mga Persona ay magkakasabay at magkakasing-pantay: lahat ay hindi nilikha at pawang makapangyarihan-sa-lahat.”-The Catholic Encyclopedia.

Halos lahat ng ibang iglesiya sa Sangkakristiyanuhan ay sang-ayon. Halimbawa, ang Trinidad ay tinatawag din ng Iglesia Griyego Ortodokso na “saligang doktrina ng Kristiyanismo,” at sinasabi pa: “Ang mga Kristiyanismo,” at sinasabi pa: “Ang mga Kristiyano ay yaong tumatanggap na si Kristo ay Diyos.” Sa aklat na Our Orthodox Christian Faith, isinasaad ng iglesiyang ito: “Ang Diyos ay tatlo-sa-isa . . . Ang Ama ay Diyos na totoo. Ang Anak ng Diyos na totoo. Ang Banal na Espiritu ay Diyos na totoo.

Kaya, ang Trinidad ay itinuturing na “isang Diyos sa tatlong Persona”.” Inaangkin na bawat isa ay walang pasimula, palagian nang uumiiral. Bawat isa ay makapangyarihan-sa-lahat, walang sinoman ang nakahihigit o nakabababa sa iba.

Mahirap bang masakyan ang katuwirang ito? Natutuklasan ng maraming taimtim na mananampalataya na ito ay nakalilito, salungat sa normal na katuwiran, ibang-iba sa naranasan na nila. Itinatanong nila, Papaano magiging Diyos ang Ama, Diyos si Jesus at Diyos ang banal na espiritu, gayunma’y hindi tatlo ang Diyos kundi iisang Diyos?

“Hindi Saklaw ng Unawa ng Tao”

LAGANAP ang pagkalitong ito. Sinasabi ng The Encyclopedia Americana na ang doktrina ng Trinidad ay itinuturing na “hindi saklaw ng unawa ng tao.”

Ganito rin ang pangmalas ng maraming naniniwala sa Trinidad. Sinasabi ni Monsenyor Eugene Clark: “Ang Diyos ay isa, at ang Diyos ay tatlo. Yamang wala itong katulad sa paglalang, hindi natin ito mauunawaan, basta maniwala na lamang tayo.” Sinabi ni Cardinal John O’Connor: “Alam natin na ito’y napakalaking misteryo, na hindi masusubukang unawain.” At si Papa Juan Pablo II ay nagsalita rin tungkol sa “di-malirip na hiwaga ng Diyos na Trinidad.”

Kaya sinasabi ng A Dictionary of Religious Knowledge: “Ang mga Trinitaryo mismo ay hindi magkasundosundo hinggil sa kung ano nga ba ang doktrina, at kung papaano ito wastong ipaliliwanag.”

Dahil dito, mauunawaan natin kung bakit ang New Catholic Encyclopedia ay gumawa ng ganitong obserbasyon: “Madalang ang guro ng teolohiyang Trinitaryo sa Romano Katolikong mga seminary na kahit minsan ay hindi binagabag ng tanong na, ‘Papaano ipapangaral ang Trinidad?’ At kung ang tanong ay tanda ng pagkalito ng mga estudyante, marahil ay lalo itong palatandaan ng pagkalito ng kanila ring mga propesor.”

Matitiyak ang katotohanan ng obserbasyong ito kung dadalaw sa isang aklatan at susuriin ang mga aklat na umaalalay sa Trinidad. Di mabilang na pahina ang naisulat sa pagpapaliwanag nito. Subalit, pagkatapos makipagpunyagi sa nakalilito at masalimuot na mga termino at paliwanag sa teolohiya, ang nagsusuri ay aalis na hindi pa rin nasisiyahan.

Kasuwato nito, nagkomento ang Jesuitang si Joseph Bracken sa kaniyang aklat na What Are They Saying About the Trinity?: “Ang mga pari na nahirapang matuto . . . ng Trinidad sa mga seminaryo ay likas lamang na mag-atubiling magharap nito sa kanilang pulpito, kahit na kapag Linggo ng Trinidad. . . Ano’t papagurin pa ang mga tao sa isang bagay na sa dakong huli ay hindi rin naman nila gaanong mauunawaan?” Sinasabi din niya: “Ang Trinidad ay isang pormal na paniwala, at kung mayroon man, ay kakaunti ang [epekto] nito sa araw-araw na Kristiyanong pamumuhay at pagsamba.” Gayunpaman, ito ang “pinakamahalagang doktrina” ng mga iglesya!

Binanggit ng Katolikang teologo na si Hans Kung sa kaniyang aklat na Christianity and World Religions na ang Trinidad ay isang sanhi ng pagkabigo ng simbahan na akitin ang mga di-Kristiyano. Sinabi niya: “Ang may-kabatirang mga Muslim ay nahihirapang umintindi, gaya din ng mga Judio na hindi makaunawa, sa ideya ng Trinidad . . . Ang mga pagtatangi na ginagawa ng Trinidad sa pagitan ng isang Diyos at ng tatlong persona ay hindi kasiyasiya sa mga Muslim at, sa halip na maliwanagan, ay nalilito sa mga teolohikal na terminong hango sa Siryako, Griyego, at Latin. Para sa mga Muslim ito’y paglalaro lamang sa salita. . . Bakit pa gugustuhin ng sinoman na lahukan ang paniwala sa pagiging-isa at pagiging-tangi ng Diyos kung palalabuin o wawaling-kabuluhan lamang ang pagiging-iisa at pagiging-tanging ito?”

“Hindi Diyos ng Kaguluhan”

PAPAANO nagsimula ang nakalilitong doktrinang ito? Inaangkin ng The Catholic Encyclopedia: “Ang napakahiwagang turong ito ay tanda lamang ng Banal na kapahayagan.” Sinasabi ng mga Katolikong iskolar na sina Karl Rahner at Herbert Vorgrimler sa kanilang Theological Dictionary na: “Ang Trinidad ay isang misteryo . . . sa mahigpit na kahulugan . . ., na hindi nalaman kung ito ay hindi ipinahayag, at bagaman naipahayag na ay hindi pa rin lubusang mawatasan.”

Gayunman, lumikha ng isa pang malaking problema ang pag-aangkin na ito ay tiyak na isang banal na kapahayagan yamang ang Trinidad ay isang nakalilitong hiwaga. Bakit? Sapagka’t ang banal na kapahayagan ay hindi nagpapahintulot ng ganitong pangmalas sa Diyos: “Ang Diyos ay hindi Diyos ng kaguluhan.”-1 Corinto 14:33, Revised Standard Version (RS).

Sa liwanag ng pangungusap na ito, kakatha ba ang Diyos ng isang lubhang nakalilitong doktrina hinggil sa sarili anupa’t hindi ito maipaliwanag maging ng mga iskolar na Hebreo, Griyego, at Latin?

Bukod dito, kailangan bang maging teologo ang isa ‘upang makilala ang tanging tunay na Diyos at si Jesu-Kristo na kaniyang isinugo’? (Juan 17:3,JB) Kung oo, bakit iilan lamang sa edukadong mga Judio na pinuno ng relihiyon ang tumanggap kay Jesus bilang Mesiyas? Sa halip, ang kaniyang tapat na mga alagad ay mga maaamong magsasaka, mangingisda, maniningil ng buwis, ina-ng-tahanan. Ganoon na lamang ang pagtitiwala ng mga karaniwang taong ito sa turo ni Jesus tungkol sa Diyos kung kaya ito ay naituro din nila sa iba at naging handa pa silang mamatay alang-alang sa kanilang paniwala.-Mateo 15:1-9; 21:23-32, 43; 23:13-36; Juan 7:45-49; Gawa 4:13.

Ito ba ay Maliwanag na Turo sa Bibliya?

KUNG totoo ang Trinidad, dapat ito ay maliwanag at paulit-ulit na inihaharap sa Bibliya. Bakit? Sapagkat, gaya ng tiniyak ng mga apostol, ang Bibliya ay kapahayagan ng Diyos sa tao tungkol sa sarili. At yamang dapat makilala ang Diyos upang sambahin siya sa wastong paraan, dapat liwanagin ng Bibliya kung sino talaga siya.

Ang mga Kasulatan ay tinanggap ng unang-siglong mga alagad bilang tunay na kapahayagan ng Diyos. Naging saligan ito ukol sa kanilang paniniwala, bilang pangwakas na autoridad. Halimbawa, nang mangaral si apostol Pablo sa mga taga-Berea, “tinanggap nila ang salita nang buong pananabik, at maingat na sinuri ang mga Kasulatan sa araw-araw kung tunay nga ang mga bagay na ito.”- Gawa 17:10, 11.

Aling autoridad ang ginamit ng pangunahing mga tauhan ng Diyos noong panahong yaon? Sinasabi ng Gawa 17:2, 3: “Ayon sa ugali ni Pablo. . . nakipagkatuwiranan siya sa kanila mula sa mga Kasulatan, na nagpapaliwanag at nagpapatotoo sa tulong ng mga reperensiya [mula sa mga Kasulatan].”

Si Jesus mismo ay nagbigay-halimbawa sa paggamit ng mga Kasulatan bilang saligan ng kaniyang turo, at paulit-ulit niyang sinabi: “Nasusulat.” “Ipinaliwanag niya sa kanila ang mga bagay tungkol sa kaniya sa lahat ng mga Kasulatan.”-Mateo 4:4, 7; Lucas 24:27.

Kaya sina Jesus, Pablo, at ang unang-siglong mga mananampalataya ay gumamit sa Kasulatan bilang saligan ng kanilang turo. Alam nila na “lahat ng Kasulatan ay kinasihan ng Diyos at kapakipakinabang sa pagtuturo, sa pagsaway, sa pagtutuwid, sa pagdidisiplina sa katuwiran, upang ang tao ng Diyos ay maging ganap, lubos na nasasangkapan sa bawat gawang mabuti.”-2 Timoteo 3:16, 17; tingnan din ang 1 Corinto 4:6; 1 Tesalonica 2:13; 2 Pedro 1:20, 21.

Yamang ang Bibliya ay ‘nakapagtutuwid,’ dapat ay buong-linaw itong makapaghayag ng impormasyon hinggil sa Trinidad na di-umano ay isang saligang turo. Ngunit sinasabi ba mismo ng mga teologo at mananalaysay na ito’y maliwanag na itinuturo ng Bibliya?

Nasa Bibliya ba ang “Trinidad”?

ISANG Protestanteng babasahin ang nagsasaad: “Ang salitang Trinidad ay hindi makikita sa Bibliya. . . Hindi ito nagkaroon ng pormal na dako sa teologo ng simbahan kundi noong ika-4 na siglo.” (The Illustrated Bible Dictionary) At isang Katolikong autoridad ang nagsasabi na ang Trinidad “ay hindi . . . tuwirang salita at hindi nahahawig sa salita ng Diyos.”- New Catholic Encyclopedia.

Nagkokomento rin ang The Catholic Encyclopedia: “Sa Kasulatan ay wala pang nag-iisang kataga na nagpapakilala nang samasama sa Tatlong Dibino Persona. Ang salitang [tri’as] (na isinaling trinitas sa Latin) ay unang masusumpungan kay Teofilo ng Antioquia noong mga A.D. 180 . . . . Hindi nagtagal ito ay lumitaw kay Tertullian sa anyong Latin na trinitas.”

Gayunman, hindi ito patotoo na ang Trinidad ay itinuro nga ni Tertullian. Halimbawa, sinasabi ng Katolikong Trinitas- A Theological Encyclopedia of the Holy Trinity na nang maglaon, ang ilang pananalita ni Tertullian ay ginamit ng iba upang ilarawan ang Trinidad. Pagkatapos ay nagbabala ito: “Ngunit hindi makagagawa ng pabigla-biglang pasiya salig sa paggamit na ito, sapagkat hindi niya ikinakapit ang kaniyang mga salita sa teolohiyang Trinitaryo.’

Patotoo ng mga Kasulatang Hebreo

KUNG ang salitang “Trinidad” ay wala sa Bibliya, hindi kaya nito itinuturo kahit ang ideya man lamang ng Trinidad? Halimbawa, ano ba ang ipinakikita ng mga Kasulatang Hebreo (“Matandang Tipan”)?

Inaamin ng The Encyclopedia of Religion: “Ang mga teologo ngayon ay nagkakaisa sa paniwala na ang Bibliyang Hebreo ay hindi naglalaman ng isang doktrina ng Trinidad.” Sinasabi ng New catholic Encyclopedia: “Ang doktrina ng Santisima Trinidad ay hindi itinuturo sa M[atandang] T[ipan].”

Kahawig nito, inamin ng Jesuitang si Edmund Fortman sa kaniyang aklat na The Triune God: “Ang Matandang Tipan . . . ay walang maliwanag na sinasabi o ipinahihiwatig tungkol sa Diyos na Tatlo-sa-isa na kapuwa Ama, Anak at Espiritu Santo . . . Walang ebidensiya na isa man sa mga sagradong manunulat ay nanghinuha hinggil sa pag-iral ng isang [Trinidad] sa pagka-Diyos. . . At ang pagpapakahulugan ng isang Trinidad ng mga diyos salig sa mga paliwanag o anino o ‘mga tandang nalambungan’ [sa “Matandang Tipan”], ay isa nang pagpilipit sa mga salita at intensiyon ng mga sagradong manunulat.”-Amin ang italiko.

Ang pagsusuri sa mismong mga Kasulatang Hebreo ay magpapatunay sa mga komentong ito. Kaya, walang maliwanag na turo ng Trinidad sa unang 39 na aklat ng Bibliya na bumubuo sa tunay na kanon ng kinasihang mga Kasulatang Hebreo.

Patotoo ng mga Kasulatang Griyego

NGAYON, ang mga Kristiyanong Kasulatang Griyego (“Baong Tipan”) kaya ay maliwanag na bumabanggit ng isang Trinidad?

Sinasabi ng The Encyclopedia of Religion: “Sumasang-ayon ang mga teologo na ang Bagong Tipan ay hindi rin naglalaman ng maliwanag na doktrina ng Trinidad.”

Sinabi ng Jesuitang si Fortman: “Ang mga sumulat ng Bagong Tipan . . . ay hindi naghaharap ng pormal o binalangkas na doktrina ng Trinidad, walang maliwanag na turo na sa isang Diyos ay may tatlong pantay-pantay na dibino persona . . . Wala roong masusumpungang doktrina na sa iisang pagka-Diyos ay may tatlong magkakaibang tauhan ng maka-diyos na buhay at gawain.”

Nagpapaliwanag ang The New Encyclopedia Britannica: “Hindi lumilitaw sa Bagong Tipan ang salitang Trinidad ni ang maliwanag na doktrina nito.”

Sinasabi ni Bernhard Lohse sa A Short History of Christian Doctrine: “Kung pag-uusapan ang Bagong Tipan, hindi masusumpungan doon ang aktuwal na doktrina ng Trinidad.”

Kahawig nito ang sinasabi ng The New International Dictionary of New Testament Theology: “Ang B[agong] T[ipan] ay hindi naglalaman ng binuong doktrina ng Trinidad. ‘Sa Bibliya ay walang maliwanag na kapahayagan na ang Ama, ang Anak, at ang Espiritu Santo ay may iisang kahulugan’ [sabi ng Protestanteng teologo na si Karl Barth.].”

Tiniyak ng propesor ng Yale University na si E. Washburn Hopkins: “Maliwanag na hindi nakilala nina Jesus at Pablo ang doktrina ng Trinidad; . . . wala silang sinasabi hinggil dito.” –Origin and Evolution of Religion.

Nagkomento ang mananalaysay na si Arthur Weigall: “Kailanma’y hindi binanggit ni Jesu-Kristo ang guniguning ito, at saanman sa Bagong Tipan ay hindi lumilitaw ang salitang ‘Trinidad.' Ang ideya ay pinagtibay lamang sa Simbahan tatlong daang taon pagkamatay ng ating Panginoon.”-The Paganism in Our Christianity.

Kaya, sa 39 na aklat ng mga Kasulatang Hebreo ni sa kanon ng 28 kinasihang aklat ng mga Kristiyanong Kasulatang Griyego ay hindi inihaharap ang alinmang turo hinggil sa Trinidad.

Itinuturo ng mga Sinaunang Kristiyano?

ITINURO ban g sinaunang mga Kristiyano ang Trinidad? Pansinin ang sumusunod na komento ng mga mananalaysay at teologo:

“Ang sinaunang Kristiyanismo ay walang malinaw na doktrina ng Trinidad sa anyo na pinalawak ng mga kredo nang maglaon.”-The New International Dictionary of New Testament Theology.

“Sa pasimula’y hindi inisip ng sinaunang mga Kristiyano na ilakip ang ideya ng [Trinidad] sa kanilang pananampalataya. Iniukol nila ang kanilang debosyon sa Diyos Ama at kay Jesu-Kristo, ang Anak ng Diyos, at kinilala nila ang . . . Banal na Anak ng Diyos, at kinilala nila ang . . . Banal na Espiritu; subalit hindi sila naniwala na ang tatlo ay isang Trinidad, pantay-pantay at samasama sa Isa.”-The Paganism in Our Christianity.

“Sa pasimula ang pananampalatayang Kristiyano ay hindi Trinitaryo . . . At hindi rin noong panahong apostoliko at hindi pa natatagalan pag-katapos nito, gaya ng ipinaaaninaw sa B[agong] T[ipan] at iba pang mga sinaunang kasulatang Kristiyano.”-Encyclopedia of Religion and Ethics.

“Ang pormulang ‘isang Diyos sa tatlong Persona’ ay hindi lamang matatag na pinagtibay, at tiyak na hindi lubusang tinanggap sa Kristiyanong pamumuhay at pagpapahayag ng pananampalataya,bago natapos ang ika-4 na siglo . . . Sa gitna ng mga Apostolikong Ama, ni bahagya ay walang anomang nakakahawig ng ganitong paniwala o pangmalas.”-New Catholic Encyclopedia.

Kung Ano ang Itinuro ng mga AMa Bago ang Nicaea

ANG mga Ama bago ang Nicaea ay kinilala bilang nangungunang mga guro ng relihiyon noong unang mga siglo matapos isilang si Kristo. Kawiliwiling malaman ang kanilang itinuro.

Si Justin Martyr, na namatay noong 165 C.E., ay tumukoy kay Jesus, bago naging tao, bilang nilikhang anghel na “naiiba sa Diyos na lumalang sa lahat ng bagay.” Ipinakita niya na si Jesus ay mas mababa sa Diyos at “kailanma’y hindi gumawa nang anoman kundi yaong . . . nilayon ng Maylikha na kaniyang gawin at sabihin.”

Si Ireneo, na namatay noong mga 200 C.E., ay nagsabi na si Jesus, bago naging tao, ay umiral ng hiwalay at mas mababa sa Diyos. Ipinakita niya na si Jesus ay hindi kapantay ng “Isang tunay at tanging Diyos,” na “kataastaasan sa lahat, at bukod sa kaniya ay wala nang iba.”

Si Clemente ng Aleksandriya, na namatay noong mga 215 C.E., ay tumukoy sa Diyos bilang “ang hindi nilikha at hindi namamatay at tanging tunay na Diyos.” Sinabi niya na ang Anak “ay pangalawa sa Amang makapangyarihan-sa-lahat” subalit hindi kapantay nito.

Si Tertullian, na namatay noong mga 230 C.E., ay nagturo hinggil sa pagiging- kataastaasan ng Diyos. Sinabi niya: “Ang Ama ay naiiba sa Anak(natatangi), pagkat siya’y mas dakila; yamang ang may-anak ay naiiba sa inianak; ang nagsusugo ay naiiba sa isinugo.” Sinabi din niya: “May panahon na ang Anak ay hindi umiiral. . . Bago ang lahat ng bagay, and Diyos ay nag-iisa.”

Si Hipolito, na namatay noong mga 235 C.E., ay nagsabi na ang Diyos ay “isang Diyos, una at tanging Isa, Maygawa at Panginoon ng lahat,” na “walang kasingtanda. . . Ngunit siya ay Iisa, natatangi sa ganang sarili; at, ayon sa kalooban niya, ay nagpairal sa hindi dating umiiral,” gaya ni Jesus na nilikha bago pa naging tao.

Si Origen, na namatay noong 250 C.E., ay nagsabi na “ang Ama at ang Anak ay dalawang sangkap . . . dalawang bagay ayon sa kanilang kahulugan,” at na “kung ihahambing sa Ama, [ang Anak] ay isang napakaliit na liwanag.”

Bilang pagsuma sa makasaysayang ebidensiya, sinasabi ni Alvan Lamson sa The Church of the First Three Centuries: “Ang makabagong popular na doktrina ng Trinidad. . . ay hindi sinusuhayan ng mga salita ni Justin[Martyr]: at sumasaklaw din ang obserbasyong ito sa lahat ng mga Ama bago ang Nicaea; alalaong baga’y, sa lahat ng Kristiyanong manunulat sa loob ng tatlong siglo makaraang isilang si Kristo. Oo, nagsasalita nga sila hinggil sa Ama, Anak, at . . . banal na Espiritu, ngunit hindi pantay-pantay, hindi iisa sa bilang, hindi Tatlo sa isa, gaya ng paliwanag ng mga Trinitaryo ngayon. Ang totoo ay ang mismong kabaligtaran.”

Kaya, nililiwanag ng patotoo ng Bibliya at ang kasaysayan na ang Trinidad ay hindi nakilala sa buong panahon ng Bibliya at sa maraming mga dantaon pagkaraan nito.

“Walang ebidensiya na isa man sa mga sagradong manunulat ay nanghinuha hinggil sa pag-iral ng isang [Trinidad] sa pagka-Diyos.”-The Triune God

Paano Nabuo ang Doktrina ng Trinidad?
NGAYON ay baka itanong ninyo: ‘Kung ang Trinidad ay hindi isang turo sa Bibliya, paano ito naging doktrina ng Sangkakristiyanuhan?’ Marami ang naniniwala na ito ay binalangkas sa Konsilyo ng Nicaea noogn 325 C.E.

Gayunman, hindi ito lubusang totoo, iginiit nga ng Konsilyo ng Nicaea na si Kristo ay kaisang sangkap ng Diyos, at naging saligan ito ng teolohiyang Trinidad na itinuro nang maglaon. Subalit hindi ito ang nagtatag sa Trinidad, sapagkat sa konsilyong yaon ay hindi binanggit ang banal na espiritu bilang ikatlong persona ng tatlo-sa-isang pagka-Diyos.

Ang Papel ni Constantino sa Nicaea

SA LOOB ng maraming taon, dahil sa maka-Biblikong saligan ay nagkaroon ng mahigpit na pagsalansang sa nabubuong paniwala na si Jesus ay Diyos. Sa kagustuhang lutasin ang alitan, lahat ng mga obispo ay ipinatawag sa Nicaea ng Romanong emperador na si Constantino. Mga 300, maliit na bahagi lamang ng kabuuan, ang aktuwal na dumalo.

Si Constantino ay hindi Kristiyano. Nakumberte siya di-umano noong huling yugto ng kaniyang buhay, ngunit nabautismuhan lamang siya nang naghihingalo na. tungkol sa kaniya ay sinabi ni Henry Chadwick sa The Early Church: “Si Constantino, gaya ng ama niya, ay sumamba sa Hindi-Malupig na Araw; . . . hindi dapat ipangahulugan na ang pagka-kumberte niya ay sanhi ng pagtanggap niya ng biyaya ng Diyos . . . Ang dahilan ay lubusang maka-militar. Kailanma’y hindi naging malinaw ang unawa niya sa doktrinang Kristiyano, subalit tiyak niya na ang tagumpay sa digmaan ay kaloob ng Diyos nga mga Kristiyano.”

Anong papel ang ginampanan ng di-nabautismuhang emperador na ito sa Konsilyo ng Nicaea? Nag-uulat ang Encyclopedia Britannica: “Si Constantino mismo ang namuno, umakay sa mga pag-uusap at personal na nag-harap. . . ng napakahalagang pormula na nagpapahayag ng relasyon ni Kristo sa Diyos ayon sa kredong inilabas ng konsilyo, ‘ang pagiging-kaisang sangkap ng Ama’ . . . Labis na nasindak sa emperador, lahat ng obispo, maliban sa dalawa, ay lumagda sa kredo, at marami ang gumawa nito nang laban sa kalooban.”

Kaya, mahalaga ang papel ni Constantino. Pagkaraan ng dalawang buwan ng mainit na pagtatalong relihiyoso, namagitan ang paganong politikong ito at nagpasiya nang pabor sa mga nagsasabing si Jesus ay Diyos. Ngunit bakit? Tiyak na hindi dahil sa maka-Biblikong paniwala “Si Constantino ay wala ni bahagyang saligang unawa sa mga suliranin ng teolohiyang Griyego na pinag-uusapan noon.” Sabi ng A Short History of Christian Doctrine. Ang alam niya ay na ang relihiyosong pagkabahabahagi ay magiging banta sa imperyo, at gusto niyang papagkaisahin ang kaniyang nasasakupan.

Sa kabila nito, sa Nicaea ay walang obispo na nagtaguyod sa Trinidad. Pinagtibay lamang nila ang kalikasan ni Jesus at hindi ang papel na banal na espiritu. Kung ang Trinidad ay maliwanag na katotohanan sa Bibliya, hindi ba dapat sana’y naiharap ito nang panahong yaon?

Karagdagang Pagsulong

PAGKARAAN ng Nicaea, ang pagtatalo sa paksa ay nagpatuloy sa loob ng maraming dekada. May panahon pa nga na muling pinaboran ang mga naniwalang si Jesus ay hindi kapantay ng Diyos. Ngunit nang maglaon si Emperador Teodosio ay nagpasiya laban sa kanila. Ang kredo ng Konsilyo sa Nicaea ay pinagtibay niya bilang pamantayan ng kaniyang kaharian at tumawag ng Konsilyo ng Constantinople noong 381 C.E. upang liwanagin ang pormulang ito.

Sumang-ayon ang konsilyong yaon na ilagay ang banal na espiritu sa antas na kapantay ng Diyos at ni Kristo. Sa unang pagkakataon, ang Trinidad ng Sangkakristiyanuhan ay naging sentro ng atensiyon.

Subalit, pagkaraan ng Konsilyo ng Constantinople, ang Trinidad ay hindi pa rin naging isang tanyag na kredo. Marami ang sumasalansang dito anupat sila’y naging tudlaan ng marahas na pag-uusig. Noon lamang sumunod na mga dantaon binalangkas ang Trinidad sa takdang mga kredo. Nagsasabi ang The Encyclopedia Americana: “Naganap sa Kanluran ang lubos na pagsulong ng Trinitaryanismo, sa Edad Medyang Iskolastisismo, nang ito ay ipaliwanag ayon sa mga termino ng pilosopiya at sikolohiya.”

Ang Kredong Atanacio

ANG Trinidad ay higit pang niliwanag ng Kredong Atanacio. Si Atanacio ay isang pari na sumuporta kay Constantino sa Nicaea. Ang kredo na ipinangalan sa kaniya ay nagsasabi: “Sinasamba natin ang isang Diyos sa Trinidad . . . Ang Ama ay Diyos, ang Anak ay Diyos, at ang Espiritu Santo ay Diyos; gayunma’y hindi tatlo ang Diyos, kundi isang Diyos.”

Gayumpaman, nagkakaisa ang may-kabatirang mga iskolar na hindi si Atanacio ang kumatha ng kredong ito. Ang The New Encyclopedia Britannica ay nagkomento: “Ang kredo ay hindi kilala ng Iglesia sa Silangan bago ang ika 12-siglo. Mula noong ika-17 siglo, nagkakaisa ang mga iskolar na ang Kredong Atanacio ay hindi isinulat ni Atanacio (na namatay noong 373) kundi marahil ay kinatha sa timog Pransya noong ika-5 siglo . . . Ang kredo ay may pangunahing impluwensiya sa timog Pransiya at Espanya noong ika-6 at ika-7 siglo. Ginamit ito sa liturhiya ng simbahan sa Alemanya noong ika-9 na siglo at sa Roma pagkaraan naman nito.”

Kaya lumipas ang maraming dantaon mula noong panahon ni Kristo bago malawakang tinanggap ng Sangkakristiyanuhan ang Trinidad. At sa buong panahong ito, ano ang pumatnubay sa mga pagpapasiya? Ang Salita ba ng Diyos, o maka-klero at maka-politikang mga salik? Si E. W. Hopkins ay sumasagot sa Origin and Evolution of Religion: “Ang pangwakas na ortodoksong kahulugan ng Trinidad ay pangunahin nang kaugnay ng politika sa simbahan.”

Inihula ang Apostasya

ANG di kanaisnais na kasaysayan ng Trinidad ay akmang-akma sa inihula ni Jesus at ng mga apostol na magaganap pagkaraan ng panahon nila. Sinabi nila na magkakaroon ng apostasya, paglihis, ng pagtaliwakas sa tunay na pagsamba hanggang sa pagbabalik ni Kristo, kapag naisauli na ang tunay na pagsamba bago ang araw ng pagpuksa ng Diyos sa pamamalakad na ito ng mga bagay.
Sinabi ni apostol Pablo hinggil sa “araw” na yaon: “Ito’y hindi darating malibang dumating muna nag pagtaliwakas at mahayag ang taong makasalanan.” (2 Tesalonica 2:3, 7) Nang dakong huli, ay inihula niya: “Pagyao ko ay sasalakayin kayo ng mababangis na lobo na hindi magdadalang-habag sa kawan. At sa inyong sariling mga kasamahan ay lilitaw ang mga taong humahamak sa katotohanan sa pamamagitan ng labi upang hikayatin ang mga alagad na sumunod sa kanila.”(Gawa 20:29, 30, JB) Sumulat din ang ibang alagad ni Jesus hinggil sa apostasyang ito at sa uring ‘makasalanang’ klero nito.-Halimbawa, tingnan ang 2 Pedro 2:1; 1 Juan 4:1-3; Judas 3,4.

Sumulat din si Pablo: “Darating nga ang panahon, palibhasa’y hindi nasisiyahan sa magaling na aral, na ang mga tao ay masasabik sa bagong mga aral at magtitipon sa ganang sarili ng maraming guro na naaayon sa kanilang panlasa; at sa halip na making sa katotohanan, ay babaling sa mga alamat.”-2 Timoteo 4:3, 4, JB.

Niliwanag mismo ni Jesus kung ano ang nasa likod ng pagtaliwakas sa tunay na pagsamba. Sinabi niya na siya ay naghasik ng mabubuting binhi subalit ang kaaway, si Satanas, ay naghasik din ng panirang damo sa bukid. Kaya lumitaw din ang damo kasabay ang unang mga usbong ng trigo. Dahil dito, maaasahan ang paglihis sa dalisay na pagka-Kristiyano hanggang sa panahon ng pag-aani, kung saan ang mga bagay-bagay ay itutuwid ni Kristo.(Mateo 13:24-43) Nagkokomento ang The Encyclopedia Americana: “Ang Trinitaryanismo noong ikaapat na siglo ay hindi wastong nagpaaninaw sa sinaunang Kristiyanong turo hinggil sa kalikasan ng Diyos; sa kabaligtaranm yao’y paglihis sa ganitong turo.” Saan, kung gayon, nagmula ang paglihis na ito?-1 Timoteo 1:6.

Ang “Trinidad ng Dakilang mga Diyos”

Maraming siglo bago ang panahon ni Kristo, ay mayroon nang mga triad, o Trinidad, ng mga diyos sa sinaunang Babilonya at Asirya. Binabanggit ng Pranses na “Larousse Encyclopedia of Mythologi” ang isa sa mga Trinidad na ito sa dakong Mesopotamiya: “Ang sansinukob ay hinati sa tatlong rehiyon na kung saan ang bawat isa ay naging kaharian ng isang diyos. Ang langit ay naging bahagi ni Anu. Ang lupa ay ibinigay kay Enlil. Si Ea ang naging tagapamahala ng mga tubig. Sila ay samasamang bumuo sa Trinidad ng Dakilang mga Diyos.”

1. Ehipto. Trinidad nina Horus, Osiris, Isis, ika-2 milenyo B.C.E
2. Babilonya. Trinidad nina Ishtar, Sin, Shamash, ika-2 milenyo B.C.E
3. Palmyra. Trinidad ng diyos ng buwan, Panginoon ng mga Langit, diyos ng araw, c. unang siglo C.E.
4. Indiya. Tatlo-sa-isa na pagka-Diyos ng mga Hindu, c. ika-7 siglo C.E.
5. Kampuchea. Tatlo-sa-isa na pagka-Diyos ng mga Buddhista, c.ika-12 siglo C.E.
6. Norway. Trinidad (Ama,Anak,banal na espiritu), c. ika-13 siglo C.E.
7. Pransya Trinidad. C.-ika 14 na siglo C.E
8. Italya. Trinidad, c. ika-15 siglo C.E.
9. Alemanya. Trinidad, ika-19 na siglo C.E.
10. Alemanya. Trinidad, ika-20 siglo C.E.

Kung Ano ang Nakaimpluwensiya Rito

SA BUONG sinaunang daigdig, kasing-aga pa ng Babilonya, ang pagsamba sa tatluhang mga paganong diyos, o mga triad, ay karaniwan na. ang impluwensiyang ito ay laganap din sa Ehipto, sa Gresya, at sa Roma noong dantaon bago, noong kasalukuyan at pagkaraan ni Kristo. At pagkamatay ng mga apostol, ang mga paganong paniwalang ito ay nakasalingit sa Kristiyanismo.

Ganito ang obserbasyon ng mananalaysay na si Will Durant: “Ang Kristiyanismo ay hindi bumuwag sa paganismo; ito’y inari niya ukol sa sarili . . . Sa Ehipto nagmula ang ideya ng banal na Trinidad.” At sa aklat na Egyptian Religion, ay sinabi ni Siegfried Morenz: “Ang Trinidad ay naging pangunahing interes ng mga teologo. . . Tatlong diyos ang pinagsamasama at tinrato bilang iisa, at tinukoy sa isahang bilang. Kaya ang espirituwal na puwersa ng relihiyong Ehipsiyo ay tuwirang kaugnay sa teolohiyang Kristiyano.”

Kaya, sa katapusan ng ikatlo at pasimula ng ikaapat na dantaon, sa Aleksandriya, Ehipto, ang impluwensiyang ito ay ipinaaninaw ng mga pinuno ng simbahan, gaya ni Atanacio, habang binabalangkas ang mga ideya na umakay sa Trinidad. Lumaganap din ang impluwensiya nila, kaya itinuring ni Morenz ang “teolohiyang Aleksandrino bilang tulay sa pagitan ng minanang relihiyon ng Ehipto at ng Kristiyanismo.”

Mababasa natin sa paunang-salita ng History of Christianity ni Edward Gibbon: “Kung ang Paganismo ay nasakop ng Kristiyanismo, totoo din na ang Kristiyanismo ay pinasama ng Paganismo. Ang dalisay na paniniwala sa Diyos ng mga unang Kristiyano . . . ay pinalitan, ng Simbahan ng Roma, ng malabong turo ng Trinidad. Maraming paganong doktrina, na kinatha ng mga Ehipsiyo at ginawang uliran ni Plato, ay pinanatili bilang karapatdapat sa paniniwala.”

Iniuulat ng A Dictionary of Religious Knowledge na marami ang nagsasabi na ang Trinidad “ay isang katiwalian na hiniram sa mga relihiyong pagano, at iniugpong sa pananampalatayang Kristiyano.” At ang The Paganism in Our Christianity ay nagpapahayag: “Ang [Trinidad] ay may ganap na paganong pinagmulan.”

Iyon ang dahilan kung bakit, sa Encyclopedia of Religion and Ethics, si James Hastings ay sumulat: “Sa relihiyon ng Indiya, halimbawa, makikita natin ang tatluhang grupo nina Brahma, Siva, at Visnu; at sa relihiyosong Ehipsiyo ay ang tatluhang grupo nina Osiris, Isis, at Horus . . . Hindi lamang sa makasaysayang relihiyon masusumpungan ang Diyos bilang isang Trinidad. Maaalaala ng isa lalung-lalo na ang Neo-Platonikong pangmalas sa Kataastaasan o Pangwakas na Katotohanan,” na “kinakatawanan ng isang Trinidad.” Ano ang kinalaman sa Trinidad ng Griyegong pilosopong si Plato?

Platonismo

AYON sa sapantaha, si Plato ay nabuhay noong 428 hanggang 347 bago kay Kristo. Bagaman hindi niya itinuro ang Trinidad ayon sa kasalukuyang anyo nito, ang kaniyang mga pilosopiya ay naglatag ng daan ukol dito. Nang dakong huli, nag-litawan ang pilosopikong mga kilusan na naglakip ng paniwala sa trinidad, at ang mga ito ay naimpluwensiyahan ng mga paniwala ni Plato hinggil sa Diyos at sa kalikasan.

Sinasabi ng Pranses na Nouveau Dictionnarie Universel (New Universal Dictionary) hinggil sa impluwensiya ni Plato: “Lumilitaw na ang Platonikong trinidad na nagmula pa sa sinauna, ay ang pilosopikong trinidad ng mga katangian na nagluwal sa tatlong tauhan o dibino persona na itinuturo ng mga iglesiya Kristiyano. . . Ang paniwala ng pilosopong Griyegong ito sa banal na trinidad . . . ay masusumpungan sa lahat ng sinaunang [paganong] relihiyon.”

Ipinakikita ng The New Schaff-Herzog Encyclopedia of Religious Knowledge ang impluwensiya ng pilosopiyang Griyegong ito: “Ang mga doktrina ng Logos at ng Trinidad ay hinubog ng mga Griyegong Ama, na . . . lubhang naimpluwensiyahan, sa tuwiran o di-tuwiran, ng Platonikong pilosopiya. . . Hindi maikakaila na mula rito ang mga pagkakamali at katiwalian ay nakapasok sa Simbahan.”

Sinasabi ng The Church of the First Three Centuries: “Ang doktrina ng Trinidad ay unti-unti at kamakailan lamang nabuo; . . . galing ito sa isang pinagmulan na malayong-malayo sa mga Kasulatang Judio at Kristiyano ; . . . sumulong ito, at iniugpong sa Kristiyanismo, sa pagsisikap ng mga Platonikong Ama.”

Sa pagtatapos ng ikatlong siglo C.E., ang “Kristiyanismo” at ang bagong Platonikong mga pilosopiya ay ganap nang naging magkaisa. Gaya ng sinasabi ni Adolf Harnack sa Outlines of the History of Dogma, ang doktrina ng simbahan ay “nag-ugat nang malalim sa lupa ng Hellenismo [paganong Griyegong kaisipan]. Kaya ito ay naging isang hiwaga para sa karamihan ng Kristiyano.”

Inangkin ng simbahan na ang mga bagong doktrina nito ay salig sa Bibliya. Ngunit sinabi ni Harnack: “Ang totoo ay ginawa nitong lehitimo ang Hellenikong panghihinuha, ang mapamahiing mga paniwala at kaugalian ng paganong pagsamba sa misteryo.”

Sa aklat na A Statement of Reasons, sinabi ni Andrews Norton hinggil sa Trinidad: “Matutunton ang kasaysayan ng doktrina, at matutuklasan ang ugat nito, hindi sa Kristiyanong kapahayagan, kundi sa pilosopiyang Platoniko . . . Ang Trinidad ay hindi doktrina ni Kristo at ng kaniyang mga Apostol, kundi isang kathang-isip ng mga huling tagapagtaguyod ng kaisipan ni Plato.”

Kaya, noong ikaapat na siglo C.E., ganap nang namumukadkad ang apostasya na inihula ni Jesus at ng mga apostol. Ang pag-unlad ng Trinidad ay isa lamang katibayan nito. Sinimulan na ring yakapin ng apostatang mga iglesiya ang ibang paganong ideya, gaya ng apoy ng impiyerno, kawalang-kamatayan ng kaluluwa, at idolatriya. Sa diwang espirituwal, nagsimula na ang inihulang kapanahunan ng Sangkakristiyanuhan,na pinangingibabawan ng isang lumalaking “taong makasalanan” na uri ng klero.-2 Tesalonica 2:3, 7.

Bakit Hindi Ito Itinuro ng mga Propeta ng Diyos?

BAKIT, sa loob ng libulibong taon, ni isa sa mga propeta ng Diyos ay hindi nagturo ng Trinidad sa kaniyang bayan? Pagkaraan nito, bilang Dakilang Guro, hindi kaya liwanagin ni Jesus ang Trinidad sa kaniyang mga tagasunod? Papatnubayan kaya ng Diyos ang pagsulat ng daandaang pahina ng Kasulatan at pagkatapos ay hindi gagamitin ang alinman sa mga ito upang ituro ang Trinidad kung ito nga ang “pinakamahalagang doktrina” ng pananampalataya?

Maniniwala ba ang mga Kristiyano na maraming dantaon pagkaraan ni Kristo at matapos na patnubayan ang pagsulat sa Bibliya, ang Diyos ay kukunsinti sa pagbuo ng isang doktrina na hindi nakilala ng mga lingkod niya sa loob ng libulibong taon, isang doktrina na “hindi malirip ang hiwaga” at “hindi masakyan ng unawa ng tao,” isa na inaaming nagmula sa mga pagano at “kaugnay pangunahin na ng political sa simbahan”?

Maliwanag ang patotoo ng kasaysayan: Ang turo ng Trinidad ay isang paglihis sa katotohanan, isang pagtaliwakas dito.

Extra: Trinidad ng mga Hindu

Ang aklat na “The Symbolism of Hindu Gods and Rituals” ay nagsasabi hinggil sa isang trinidad ng mga Hindu na umiral maraming dantaon bago pa kay Kristo: “Si Siva ang isa sa mga diyos ng Trinidad. Di-umano’y siya ang diyos ng pagpuksa. Ang dalawa pang diyos ay si Brahma, diyos ng paglalang at si Vishnu, diyos ng panustos. . . Upang ipahiwatig na ang tatlong pamamaraang ito ay iisa at magkakatulad ang tatlong diyos ay pinagsasamasama sa iisang anyo.”-Inilathala ni A. Parthasarathy, Bombay.

Ano ang Sinasabi ng Bibliya Hinggil sa Diyos at kay Jesus?

KUNG babasahin ang Bibliya mula sa simula hanggang katapusan nang walang patiunang ideya hinggil sa Trinidad, mabubuo kaya ng mambabasa ang ideyang ito sa ganang sarili? Talagang hindi.

Ang maliwanag na mauunawaan ng walang-kinikilingang mambabasa ay na ang Diyos lamang ang Makapangyarihan-sa-lahat, ang Maylikha, hiwalay at natatangi sa sinoman, at na si Jesus, maging bago naging tao, ay hiwalay at natatangi din, nilikha, at nasasakop ng Diyos.

Ang Diyos ay Iisa, Hindi Tatlo

MONOTEYISMO ang tawag sa turo ng Bibliya na ang Diyos ay iisa. At ipinahiwatig ni L. L. Paine, propesor ng kasaysayang eklesiastikal, na ang monoteyismo sa pinakadalisay na anyo ay hindi magpapahintulot ng Trinidad: “Ang Matandang Tipan ay lubhang mahigpit sa pagiging monoteyistiko. Ang Diyos ay isang bukod na personoteyistiko. Ang Diyos ay isang bukod na persona. Ang paniwala na masusumpungan dito ang isang trinidad . . .ay lubusang walang saligan.”

Nagkaroon ban g paglihis sa monoteyismo nang dumating si Jesus sa lupa? Sumasagot si Paine: “Sa puntong ito ay walang pagkalagot ang Matandang Tipan at ang Bago. Patuloy ang tradisyon ng monoteyismo. Si Jesus ay isang Judio, sinanay ng mga magulang na Judio sa Matandang Tipan. Ang buod ng turo niya ay Judio; oo, isang bagong ebanghelyo, subalit hindi isang bagong teolohiya. . . At ang dakilang tema ng Judiong monoteyismo ay pinaniwalaan niya: ‘Dinggin mo, O Israel, ang Panginoon nating Diyos ay isang Panginoon.’”

Ang mga salitang ito ay nasa Deuteronomio 6:4. Ganito ang mababasa sa Katolikong New Jerusalem Bible (NJB): “Makinig ka, Israel: Si Yahweh na ating Diyos ay isa, ang tanging Yahweh.”* Sa balarila ng talata, ang salitang “isa” ay walang pantukoy sa maramihang bilang kaya ito ay talagang nangangahulugan ng isa lamang indibiduwal.

Ang Kristiyanong apostol na si Pablo ay hindi rin nagpahiwatig ng anomang pagbabago sa kalikasan ng Diyos kahit na noong manaog sa lupa si Jesus. Sumulat siya: “Ang Diyos ay iisa.”-Galacia 3:20; tingnan din ang 1 Corinto 8:4-6.

Sa buong Bibliya ang Diyos ay libulibong beses tinutukoy na isang persona. Kapag nagsasalita siya, yao’y bilang di-nababahaging indibiduwal. Napakalinaw ng Bibliya sa bagay na ito. Sinasabi nga ng Diyos. “Ako si Jehova. Iyan ang aking pangalan; at sa kaninomang iba ay hindi ko ibibigay ang aking kaluwalhatian.”(Isaias 42:8) “Ako si Yahweh na inyong Diyos . . . Huwag kayong magkakaroon ng ibang diyos liban sa akin.”(Amin ang italiko.)-Exodo 20:2, 3, JB.

Bakit lahat ng kinasihang manunulat sa Bibliya ay tutukoy sa Diyos bilang isang persona kung siya’y talagang tatlong persona? Ano ang silbi nito, kung hindi iligaw lamang ang tao? Tiyak, kung ang Diyos ay tatlong persona, iuutos niya sa mga manunulat na linawin ito nang husto upang huwag magkaroon ng alinlangan. Kahit papaano ito ang gagawin ng mga manunulat ng mga Kristiyanogn Kasulatang Griyego na personal na nakasama ng sariling anak ng Diyos. Subalit ito’y hindi nila ginawa.

Sa halip, buong-linaw na ipinakita ng mga manunulat ng Bibliya na ang Diyos ay isang Persona- isang pantangi, hindi-nahahating Diyos na walang kapantay: “Ako si Jehova, at wala nang iba. Liban sa akin ay walang Diyos.” (Isaias 45:5) “Ikaw, na ang pangalan ay Jehova, ikaw lamang ang Kataastaasan sa buong lupa.”-Awit 83:18.

Hindi isang Maramihang Diyos

SI JESUS ay tumukoy sa Diyos bilang “iisang Diyos na tunay.” (Juan 17:3) Kailanma;y hindi niya tinukoy ang Diyos bialng isa na may maramihang persona. Kaya sa buong Bibliya ay walang tinutukoy na Makapangyarihan-sa-lahat kundi si Jehova lamang. Kung hindi, ay mapawawalang-bisa nito ang salitang “makapangyarihan-sa-lahat.” Si Jesus ni ang banal na espiritu ay hindi kailanman tinutukoy nang ganito, yamang si Jehova lamang ang kataastaasan. Sa Genesis 17:1 ay ipinapahayag niya: “Ako ang Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat.” At ang Exodo 18:11 ay nagsasabi: “Si Jehova ay lalong dakila kaysa lahat ng ibang diyos.”

Sa mga Kasulatang Hebreo, ang salitang ‘eloh’-ah(diyos) ay may dalawang maramihang anyo, ‘elo-him’(mga diyos) at ‘elo-heh’ (mga diyos ng). ang maramihang anyong ito ay karaniwang tumutukoy kay Jehova, kaya ang mga ito ay isinasalin nang isahan bilang “Diyos.” Ang maramihang anyong ito ay nagpapahiwatig ba ng Trinidad? Hindi nga. Sinasabi ni William Smith sa A Dictionary of the Bible: “Hindi na halos itinataguyod ng mga iskolar ang kakatwang ideya na ang [‘elo-him’] ay tumutukoy sa trinidad ng mga persona sa pagka-Diyos. Maaaring ito ang tinatawag ng mga guro ng balarila na pangmaramihan ng kamahalan, o kaya ito ay pahiwatig ng kabuuan ng banal na kalakasan, ang suma total ng mga kapangyarihan na ipinamamalas ng Diyos.”

Sinasabi ng The American Journal of Semitic Languages and Literatures hinggil sa ‘elo-him’: “Ito ay malimit isalin kaugnay ng isahang pandiwang panaguri, at may isahang pang-uring katangian.” Bilang paglalarawan, ang pamagat na ‘elo-him’ ay 35 ulit mag-isang lumilitaw sa ulat ng paglalang, at sa tuwina ay nasa isahang bilang ang pandiwa na naglalarawan sa sinabi at ginawa ng Diyos.(Genesis 1:1-2:4) Kaya, ganito ang pasiya ng lathalain: “Kung gayon, ang [‘elo-him’] ay dapat ipaliwanag na nasa pangmaramihan na nagbibigay-diin, at nagpapahiwatig ng kadakilaan at kamahalan.”

Ang ‘elo-him’ ay nangangahulugan, hindi ng “mga persona,” kundi ng “mga diyos.” Kaya nagiging politeyista, mga mananamba sa mahigit sa isang Diyos, ang mga nangangatuwiran na ang salitang ito ay nagpapahiwatig ng Trinidad. Bakit? Sapagkat mangangahulugan ito na may tatlong diyos sa Trinidad. Subalit halos lahat ng mga nagtataguyod ng Trinidad ay tumatanggi sa paniwala na ang Trinidad ay binubuo ng tatlong magkakahiwalay na diyos.

Ginagamit din ng Bibliya ang mga salitang ‘elo-him’ at ‘elo-heh’ kapag tumutukoy sa maraming huwad na idolong diyos.(Exodo 12:12; 20:23) Ngunit kung minsan maaari itong tumukoy sa isa lamang huwad na diyos, gaya nang tukuyin ng mga Filisteo ang “diyos [‘elo-heh’] nilang si Dagon.” (Hukom 16:23, 24) Si Baal ay tinawag na “isang diyos [‘elo-him’].” (1 Hari 18:27) Karagdagan pa, ang kataga ay ginagamit din sa tao.(Awit 82:1,6) Sianbi kay Moises na siya ay magiging “Diyos” [‘elo-him’] kina Aaron at Faraon.-Exodo 4:16; 7:1.

Maliwanag na ang pakakapit ng mga titulong ‘elo-him’ at ‘elo-heh’ sa mga diyusdiyosan, at maging sa tao, ay hindi pahiwatig na ang tinutukoy ay isang maramihang diyos; ni ang pagkakapit ng ‘elo-him’ at ‘elo-heh’ kay Jehova ay nangangahulugan na siya ay higit sa isang persona, lalo na kung isasaalang-alang ang patotoo ng buong Bibliya sa paksang ito.

Si Jesus ay Hiwalay na Nilikha

NANG nasa lupa, si Jesus ay tao, at sakdal siya sapagkat Diyos mismo ang naglipat ng puwersa ng buhay ni Jesus sa bahay-bata ni Maria. (Mateo 1:18-25) Ngunit hindi ito ang naging pasimula niya. Siya mismo ang nagsabi na siya ay ‘nanaog mula sa langit.”(Juan 3:13) Kaya likas lamang na sabihin niya sa kanyiang mga alagad nang dakong huli: “Ano nga kung makita ninyo ang Anak ng tao [si Jesus[ na umaakyat sa dati niyang kinaroroonan?”-Juan 6:62, NJB.

Kaya,dati nang umiiral si Jesus sa langit bago manaog sa lupa. Ngunit bilang isa bas a mga persona ng tatluhang pagka-Diyos na pawang, makapangyarihan-sa-lahat, walang-hanggan? Hindi, sapagkat malinaw na ipinakikita ng Bibliya na bago naging tao, si Jesus ay isang espiritung nilikha, gaya ng mga anghel na mga espiritung nilikha ng Diyos. Kapuwa ang mga anghel at si Jesus ay hindi umiral bago lalangin.

Si Jesus, bago naging tao, ay “panganay sa lahat ng nilalang.”(Colosas 1:15,NJB) Siya ang “pasimula ng paglalang ng Diyos.”(Apocalipsis 3:14, RS, edisyong Katoliko.) Ang “pasimula” [Griyego, ar-khe’] ay hindi wastong maipangangahulugan na si Jesus ang ‘tagapagsimula’ ng paglalang ng Diyos. Sa kaniyang mga sulat sa Bibliya, mahigit na 20 beses gumamit si Juan ng iba’t-ibang anyo ng salitang Griyego na ar-khe’ at ang mga ito ay laging may saligang nilikha ng Diyos bilang pasimula ng hindi nakikitang mga lalang ng Diyos.

Pansinin kung papaanong ang mga pagtukoy na ito sa pasimula ni Jesus ay nakakasuwato ng mga salitang binigkas ng makalarawang “Karunungan” sa aklat ng Bibliya na Kawikaan: “Nilalang ako ni Yahweh, ang unang bunga ng kaniyang kayarian, bago pa ang pinakamatanda sa kaniyang mga likha. Bago naitatag ang mga bundok, bago ang mga burol, ako’y naisilang na; bago niya gawin ang lupa, ang kabukiran, at ang mga unang sangkap ng daigdig.” (Kawikaan 8:12, 22, 25, 26, NJB) Bagaman ang “Karunungan” ay kumakatawan sa isa na nilalang ng Diyos, karamihan ng mga iskolar ay sumasang-ayon na ito’y aktuwal na talinghaga hinggil kay Jesus bilang espiritung nilikha nang hindi pa siya nagiging tao.

Bilang ang “Karunungan” noong hindi pa naging tao, si Jesus ay nagsabi na siya ay “kasiping [ng Diyos], isang dalubhasang manggagawa.”(Kawikaan 8:30, JB) Kasuwato ng pagiging dalubhasang manggagawa, sinasabi ng Colosas 1:16 hinggil kay kay Jesus na “sa pamamagitan niya ay nilalang ng Diyos ang lahat ng bagay sa langit at sa lupa.”-Today’s English Version (TEV).

Kaya ang lahat ng iba pang bagay ay nilalang ng Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat sa tulong ng Diyos na Makapang-yarihan-sa-lahat sa tulong dalubhasang manggagawang ito, ang kaniyang junior partner, wika nga. Ganito ang ginagawang suma ng Bibliya: “Sapagkat may isang Diyos, ang Ama, na mula sa kaniya ang lahat ng bagay . . . at isang Panginoon, si Jesu-Kristo, na sa pamamagitan niya ang lahat ng bagay.”(Amin ang italiko.)-1 Corinto 8:6, RS, edisyong Katoliko.

Walang alinlangan na sa dalubhasang manggagawang ito sinabi ng Diyos: “Lalangin natin ang tao sa ating larawan.”(Genesis 1:26) Inaangkin ng iba na ang “atin” at “natin” sa pangungusap na ito ay nagpapahiwatig ng Trinidad. Ngunit kung sasabihin ninyo na ‘Gumawa tayo ng isang bagay para sa ating sarili,’ walang magsasabi na ito ay nangangahulugan na maraming persona ang magkakasama sa loob ninyo. Ang gusto ninyong sabihin ay na dalawa o higit pang mga indibiduwal ay gagawang magkasama sa isang proyekto. Kaya nang gamitin ng Diyos ang “atin” at “natin,” nakikipag-usap lamang siya sa isang indibiduwal, ang kaniyang unang espiritung nilikha, ang dalubhasang manggagawa, si Jesus nang hindi pa nagiging tao.

Matutukso ba ang Diyos?


SA MATEO 4:1, sinasabi na si Jesus ay “tinukso ng Diyablo.” Matapos ipakita kay Jesus “ang lahat ng kaharian sa lupa at ang kaluwalhatian ng mga ito,” sinabi ni Satanas: “Lahat ay ibibigay ko sa iyo kung magpapatirapa ka at sasamba sa akin.”(Mateo 4:8, 9) Sinikap ni Satanas na sirain ang katapatan ni Jesus sa Diyos.

Papaano ito magiging pagsubok sa katapatan kung si Jesus ang Diyos? Makapaghihimagsik ba ang Diyos laban sa sarili?Hindi, ngunit ang mga anghel at ang tao ay makapaghihimagsik sa Diyos at ginawa nga nila ito. Magiging makabuluhan lamang ang tukso kung si Jesus ay hindi Diyos, kundi isang hiwalay na indibiduwal na may malayang pasiya, at makapagtataksil kung pipiliin niya, gaya ng magagawa ng isang anghel o tao.

Sa kabilang dako, mahirap gunigunihin na ang Diyos ay magkakasala at magtataksil sa sarili. “Sakdal ang kaniyang gawa … Isang Diyos na tapat . . . matuwid at makatarungan siya.”(Deuteronomio 32) Kaya kung si Jesus ang Diyos, hindi siya maaaring matukso.-Santiago 1:13.

Palibhasa hindi Diyos, maaaring magtaksil si Jesus. Ngunit siya ay nanatiling tapat, at nagsabi: “Lumayo ka, Satanas! Sapagkat nasusulat, ‘si Jehovang iyong Diyos ang dapat sambahin, at siya lamang ang dapat pag-ukulan ng banal na paglilingkod.’”-Mateo 4:10

Gaano ang Halaga ng Pantubos?

ANG isa sa pangunahing dahilan ng pagparito ni Jesus sa lupa ay tuwiran ding nauugnay sa Trinidad. Sinasabi ng Bibliya: “May isang Diyos, at isang tagapamagitan sa Diyos at sa mga tao, ang taong si Kristo Jesus, na ibinigay ang sarili bilang katapat na pantubos para sa lahat.”-1 Timoteo 2:5, 6.

Si Jesus, walang labis at walang kulang sa pagiging sakdal na tao, ay naging pantubos na katapat nang naiwala ni Adan-ang karapatan sa sakdal na buhay-tao sa lupa. Kaya si Jesus ay matuwid na tukuyin ni apostol Pablo na “huling Adan”, at sinabi din niya sa kontekstong yaon: “Kung papaanong kay Adan ang lahat ay namamatay, kay Kristo ang lahat ay bubuhayin.” (1 Corinto 15:22, 45) Sakdal na buhay ni Jesus ang “katapat na pantubos” na hinihiling ng banal na katarungan- walang labis, walang kulang. Maging hustisya ng tao ang saligang simulain ay ang pagbabayad ng halagang katapat ng pagkakasala.

Gayumpaman, kung si Jesus ay bahagi ng pagka-Diyos, ang halaga ng pantubos ay hihigit pa sa hinihiling ng Batas ng Diyos. (Exodo 21:23-25; Levitico 24:19-21) Ang nagkasala sa Edenn ay isang sakdal na tao, si Adan, hindi Diyos. Kaya ang pantubos , upang lubusang makasuwato ng katarungan ng Diyos, ay dapat na yaong katumbas- isang sakdal na tao, “ang huling Adan.” Kaya, nang isugo siya sa lupa bilang pantubos, si Jesus ay ginawa ng Diyos sa paraang tutugon sa katarungan, hindi diyos na nagkatawang tao, “mas mababa kaysa mga anghel.” (Hebreo 2:9; ihabing ang Awit 8:5, 6.) Papaanong magiging mas mababa sa anghel ang isang bahagi ng pagka-Diyos na makapangyarihan-sa-lahat- Ama, Anak, o banal na espiritu?

Papaanong ang “Bugtong na Anak”?

SINASABI ng Bibliya na si Jesus ay “bugtong na anak” ng Diyos. (Juan 1:14; 3:16, 18; 1 Juan 4:9) Sinasabi ng mga Trinitaryo na yamang ang Diyos ay walang-simula, ang Anak ng Diyos ay wala ring pasimula. Mayroon bang anak na kasing-edad din ng kaniyang Ama?

Inaangkin ng mga Trinitaryo na sa kalagayan ni Jesus, ang pagiging “bugtong na anak” ay naiiba sa kahulugan ng diksiyonaryo sa “pag-aanak,” na nangangahulugang “mag-anak bilang ama.” (Webster’s Ninth New Collegiate Dictionary) Sinasabi nila na sa kalagayan ni Jesus ito ay may “diwa ng walang pinagmulang relasyon,” isang uri ng ugnayan ng nag-iisang anak na walang ama. (Vine’s Expository Dictionary of Old and New Testament Words) Makatuwiran ba ito para sa inyo? Ang isa ba ay magiging ama kung hindi siya nagkaanak?

Isa pa, bakit ginagamit ng Bibliya ang mismong salitang Griyego para sa “bugtong na anak” (gaya ng walang-paliwanag na pag-amin ni Vine) upang ilarawan ang relasyon ni Isaac kay Abraham? Sinasabi ng Hebreo 11:17 na si Isaac ay “bugtong na anak” ni Abraham. Tiyak na sa kalagayan ni Isaac, siya ang bugtong na anak sa normal na kahulugan, hindi kapantay sa panahon o katayuan ng kaniyang ama.

Ang saligang salitang Griyego para sa “bugtong na anak” na ginamit kina Jesus at Isaac ay ang mo-no-ge-nes’, mula sa mo’nos, na nangangahulugang “tangi,” at gi’no-mai, salitang ugat na nangangahulugang “lumuwal,” maging (magsimulang umiral),” ayon sa Exhaustive Concordance ni Strong. Kaya, ang mo-no-ge-nes’ ay may katuturan na: “Tanging anak, bugtong, a.b. nag-iisang anak.”- A Greek and English Lexicon of the New Testament, ni E. Robinson.

Sinasabi ng Theological Dictionary of the New Testament, sa pamamatnugot ni Gerhard Kittel: “Ang [mono-ge-nes’] ay may kahulugan na ‘nag-iisang supling,’ a.b., walang mga kapatid na lalaki o babae.” Sinasabi din ng aklat na ito na sa Juan 1:18; 3:16, 18; at 1 Juan 4:9, “ang relasyon ni Jesus ay hindi basta inihahambing sa nag-iisang anak at ng kaniyang ama. Ito ay ang relasyon ng bugtong na anak sa Ama.”

Kaya si Jesus, ang bugtong na Anak, ay may pasimula sa buhay. At ang Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat ay matuwid na tawagin bilang Nag-anak sa kaniya, o Ama, sa diwa rin na ang isang makalupang ama, gaya ni Abraham, ay nagkakaanak. (Hebreo 11:17) Kaya, kapag ang Diyos ay tinukoy ng Bibliya bilang “Ama” ni Jesus, totoo ang sinasabi nito- na sila ay dalawang magkahiwalay na indibiduwal. Ang Diyos ang senior(nakatatanda). Si Jesus ang junior (nakababata)- sa panahon, katayuan, kapangyarihan, at kaalaman.

Kung isasaalang-alang na hindi lamang si jesus ang espiritung anak na nilalang ng Diyos sa langit, nagiging maliwanag kung bakit ang katagang ‘bugtong na Anak” ay ginagamit sa kalagayan niya. Hindi mabilang na iba pang espiritung nilikha, mga anghel, ay tinatawag ding “mga anak ng Diyos,” gaya ni Adan, sapagkat ang kanilang puwersa ng buhay ay nagmula sa Diyos na Jehova, ang Bukal, o Pinagmumulan, ng buhay. (Job 38:7; Awit 36:9; Lucas 3:38) Subalit lahat ng ito ay nilikha sa pamamagitan ng “bugtong na Anak,” na siyang tanging tuwirang inianak ng Diyos.-Colosas 1:15-17.

Si Jesus ba ay Itinuring na Diyos?

BAGAMAN sa Bibliya si Jesus ay malimit tawagin na Anak ng Diyos,noong unang siglo ni isa ay walang nag-akala na siya’y Diyos-Anak. Maging ang mga demonyo, na “sumasampalatayang iisa ang Diyos,” ay nakababatid mula sa karanasan nila sa daigdig ng mga espiritu na si jesus ay hindi ang Diyos. Kaya wasto ang pagtukoy nila kay Jesus bilang hiwalay na “Anak ng Diyos.”(Santiago 2:19; Mateo 8:29) At nang mamatay si Jesus, kumbinsido ang mga paganong kawal Romano sa narinig nila sa mga alagad kaya hindi nila sinabi na si jesus ang Diyos, kundi “tiyak na ito nga ang Anak ng Diyos.”-Mateo 27:54.

Kaya, ang pariralang “Anak ng Diyos” ay tumutukoy kay Jesus bilang hiwalay na nilikha, hindi isang bahagi ng Trinidad. Bilang Anak ng Diyos hindi siya ang mismong Diyos, sapagkat sinasabi ng Juan 1:18: “Walang sinomang nakakita sa Diyos.”-RS edisyong Katoliko.

Si Jesus ay itinuring ng mga alagad bilang “tagapamagitan sa Diyos at sa tao,” hindi bilang ang Diyos mismo. (1 Timoteo 2:5) Yamang ang tagapamagitan ay nangangahulugan ng isa na hiwalay sa mga dapat pagkasunduin, magiging salungat para kay Jesus na maging kaisa ng alinman sa mga partidong sinisikap niyang papagkasunduin. Ito ay magiging pagpapanggap lamang sa kaniyang bahagi.

Ang Bibliya ay maliwanag at hindi nagbabago tungkol sa kaugnayan ng Diyos kay Jesus. Si Jehova lamang ang Makapangyarihan-sa-lahat. Tuwiran niyang nilikha si Jesus bago ito naging tao. Kaya, si Jesus ay may pasimula at hindi kailanman maaaring makapantay ng Diyos sa kapangyarihan at kawalang-hanggan.

Ang Diyos ba ay Laging Mas Mataas kay Jesus?

SI JESUS ay hindi kailanman nag-angkin na siya ang Diyos. Lahat ng sinabi niya ay nag-papahiwatig na hindi niya itinuring ang sarili na kapantay ng Diyos- sa kapangyarihan, sa kaalaman, sa edad.

Sa bawat yugto ng kaniyang, sa langit man o sa lupa, ang salita niya at paggawi ay kakitaan ng pagpapasakop sa Diyos. Ang Diyos ang laging mas mataas, si Jesus ang mas mababang nilalang ng Diyos.

*Palibhasa’y nilalang ng Diyos, si Jesus ay nasa pangalawang dako kung sa panahon, kapangyarihan at kaalaman
*Sinabi ni Jesus na siya ay umiral bago naging tao, sapagkat siya’y nilikha ng Diyos bilang pasimula ng di-nakikitang mga lalang ng Diyos

Ipinakilala ang Kaibahan ni Jesus sa Diyos
PAULIT-ULIT, ipinakita ni Jesus na siya ay isang nilalang na hiwalay sa Diyos at na siya ay may Diyos na kaniyang sinamba, isang Diyos na tinatawag niyang “Ama.” Nang nananalangin sa Diyos, alalaong baga’y ang Ama, sinabi ni Jesus, “Ikaw, ang iisang tunay na Diyos.”(Juan 17:3) Sa Juan 20:17 sinabi niya kay Maria Magdalena: “Aakyat ako sa aking Ama at iyong Ama, sa aking Diyos at iyong Diyos.” (RS, edisyong Katoliko) Sa 2 Corinto 1:3 tiniyak ni apostol Pablo ang ugnayang ito: “Purihin ang Diyos at Ama n gating Panginoong Jesu-Kristo.” Yamang si Jesus ay may Diyos, ang kaniyang Ama, hindi puwede na siya rin ang Diyos na ito.

Si apostol Pablo ay hindi nag-alinlangan sa pagsasabi na si Jesus at ang Diyos ay tiyak na magkabukod: “Sapagkat may isang Diyos, ang Ama, . . . at may isang Panginoon, si Jesu-Kristo.” (1 Corinto 8:6, JB) Ipinakita ng apostol ang pagkakaiba nang banggitin niya ang “harapan ng Diyos at ni Kristo Jesus at ng mga anghel na hinirang.” (1 Timoteo 5:21, RS Common Bible) Kung papaanong si Jesus at ang mga anghel ay tinutukoy ni Pablo bilang magkakaiba sa isa’t-isa sa langit, gayon din si Jesus at ang Diyos.

Makahulugan din ang mga salita ni jesus sa Juan 8:17, 18. Sinabi niya: “Sa inyong Kautusan ay nasusulat, ‘Ang patotoo ng dalawang saksi ay totoo.’ Isa ako sa nagpapatotoo sa sarili, at ang Ama na nagsugo sa akin ay nagpapatotoo tungkol sa Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat, ay dalawang magkaibang tauhan, sapagkat kung hindi ay papaano magkakaroon ng dalawang saksi?

Ipinakita pa rin ni Jesus na siya ay hiwalay sa Diyos nang sabihing: “Bakit mo ako tinatawag na mabuti? Walang mabuti kundi ang Diyos lamang.”(Marcos 10:18, JB) Kaya sinasabi ni jesus na walang sinomang kasingbuti ng Diyos, maging si Jesus mismo. Ang Diyos ay mabuti sa paraan na nagtatangi sa kaniya kay Jesus.

Ang Mapagpasakop sa Lingkod ng Diyos

PAULIT-ULIT, si Jesus ay gumamit ng mga pangungusap na gaya ng: “Ang Anak ay walang magagawa sa sariling kagustuhan, magagawa lamang niya ang nakikita niyang ginagawa ng kaniyang Ama.” (Juan 5:19, The Holy Bible, ni Monsenyor R. A. Knox) “Akoy nanaog mula sa langit upang gawin, hindi ang kalooban ko, kundi ang kalooban niya na nagsugo sa akin.” (Juan 6:38) “Ang itinuturo ko ay hindi sa akin, kundi sa kaniya na nagsugo sa akin.”(Juan 7:16) Hindi ba mas mataas ang nagsusugo kaysa isinugo?

Ang ugnayang ito ay makikita sa talinghaga ni Jesus hinggil sa ubasan. Inihambing niya ang Diyos, ang kaniyang Ama, sa may-ari ng ubasan, na naglakbay at ipinagkatiwala ito sa mga magsasaka, na kumatawan sa klerong Judio. Nang isugo ng may-ari ang isang alipin upang kumuha ng bunga ng ubasan, ang alipin ay binugbog ng mga magsasaka at pinalayas nang walang dala. Kaya ang may-ari ay nagsugo ng ikalawang alipin, at pagkatapos ay ng ikatlo, at ganoon din ang ginawang pagtrato sa dalawa. Sa wakas, sinabi ng may-ari: ‘Susuguin ko ang aking minamahal na anak [si Jesus]. Malamang na igagalang nila ito.” Ngunit sinabi ng balakyot na mga magsasaka: “ ‘ Siya ang tagapagmana; patayin natin siya upang mapasaatin ang mana.’ Kaya itinaboy siya sa labas ng ubasan at pinatay.”(Lucas 20:9-16) Dito’y inilarawan ni Jesus ang katayuan niya bilang sugo ng Diyos upang gawin ang kalooban ng Diyos, kung papaano isinusugo ng isang ama ang mapagpasakop niyang anak.

Si Jesus ay laging itinuring ng mga alagad bilang mapagpasakop na lingkod ng Diyos, hindi kapantay ng Diyos. Nanalangin sila sa Diyos hinggil sa “iyong banal na lingkod na si Jesus, na iyong pinahiran . . . at mga tanda at kababalaghan na ginawa sa pangalan ng iyon banal na lingkod na si Jesus.”-Gawa 4:23, 27, 30, RS, edisyong Katoliko.

Laging Mas Mataas ang Diyos

SA SIMULA pa ng ministeryo ni Jesus, nang umahon siya sa tubig na pinagbautismuhan sa kaniya, sinabi ng tinig ng Diyos sa langit: “Ito ang aking Anak, ang sinisinta, na aking sinang-ayunan.” (Mateo 3:16, 17) Sinasabi ba ng Diyos na siya ang sarili niyang anak, na sinang-ayunan niya ang sarili, na isinugo ang sarili? Hindi, bilang nakatataas, ang Diyos na Maylikha ay nagsasabi na siya ay sumasang-ayon sa nakabababa, ang kaniyang Anak na si Jesus ukol sa gawain sa hinaharap.

Idiniin ni Jesus ang pagiging mas mataas ng kaniyang Ama nang sabihin niya: “Ang espiritu ni Jehova ay sumasa akin, sapagkat ako’y pinahiran niya upang ipahayag ang mabuting balita sa mga dukha.” (Lucas 4:18) Ang pagpahid ay pagbibigay para sa isa na walang karapatan. Maliwanag na ang Diyos ang mas mataas, sapagkat pinahiran niya si Jesus, at binigyan siya ng karapatan na hindi niya dating taglay.

Niliwanag ni Jesus ang pagiging mas mataas ng Ama nang pakiusapan siya ng ina ng dalawa niyang alagad na paupuin ang mga ito sa kaliwa at sa kanan ni Jesus pagdating sa Kaharian. Sumagot si Jesus: “Kung tungkol sa pag-upo sa aking kanan at sa kaliwa, hindi ako magbibigay nito; ito ay nauukol sa mga pinaglalaanan ng aking Ama,” alalaong baga’y ang Diyos.(Mateo 20:23, JB) Kung si Jesus ang Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat, ang mga upuang ito ay maipagkakaloob sana niya. Subalit hindi ito maipamahagi ni Jesus, sapagkat karapatan iyon ng Diyos, at si Jesus ay hindi ang Diyos.

Ang sariling mga panalangin ni Jesus ay mabisang halimbawa ng mas mababang kalagayan niya. Nang malapit nang mamatay, ipinakita niya kung sino ang mas mataas nang manalangin siya nang: “Ama, kung nais mo, ilayo mo sa akin ang sarong ito. Gayunma’y, mangyari nawa, hindi ang kalooban ko, kundi ang sa ‘iyo.”(Lucas 22:42) Kanino siya nanalangin? Sa isang bahagi niya? Hindi, nanalangin siya sa isa na lubos na nabubukod, sa kaniyang Ama, ang Diyos na ang kalooba’y mas mataas at samakatuwid ay naiiba sa kaniya, ang tanging Isa na ‘makapaglalayo ng sarong ito.’

At nang naghihingalo na, si Jesus ay sumigaw “Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?”(Marcos 15:34, JB) kanino sumisigaw si Jesus? Sa sarili o sa isang bahagi niya? Tiyak,ang sigaw na “Diyos ko,” ay hindi nagmula sa isa na nagtuturing na siya’y Diyos. At kung si Jesus ang Diyos, sino naman ang nagpabaya sa kaniya? Ang sarili? Magulo ito. Sinabi din ni Jesus: “Ama, sa mga kamay mo ay inihahabilin ko ang aking espiritu.”(Lucas 23:46) Kung si Jesus ang Diyos, bakit pa niya ihahabilin ang kaniyang espiritu sa Ama?

Pagkamatay ni Jesus, tatlong araw siyang nasa libingan. Kung siya ang Diyos, mali ang Habacuc 1:12 sa pagsasabing “O Diyos ko, ang aking Banal, hindi ka namamatay.” Ngunit sinasabi ng Bibliya na si Jesus ay namatay at walang-malay sa libingan. At sino ang bumuhay kay Jesus mula sa mga patay? Kung talagang patay siya, hindi niya mabubuhay ang sarili. Sa kabilang dako, kung hindi siya patay, ang pagpapatay-patayan niya ay hindi maglalaan ng halagang pantubos sa kasalanan ni Adan. Subalit buung-buo niyang nabayaran ito sa pamamagitan ng tunay na kamatayan. Kaya ang “Diyos [ang] bumuhay na muli [kay Jesus] nang alisin niya ang kirot ng kamatayan.”(Gawa 2:24) Ang Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat, ang mas mataas, ay bumuhay sa mas mababa, sa lingkod niyang si Jesus mula sa mga patay. Ang kakayahan ba ni Jesus na gumawa ng mga himala, gaya ng pagbuhay-muli sa mga tao, ay patotoo na siya ang Diyos? Buweno, ang mga apostol at sina propeta Elias at Eliseo ay nagkaroon din ng kapangyarihang ito, subalit hindi sila naging higit kaysa tao. Ang kapangyarihang maghimala ay ibinigay ng Diyos sa mga propeta, kay Jesus at sa mga apostol upang ipakita na Siya ang nasa likod nila. Subalit hindi ito gumawa sa kanila na bahagi ng isang maramihang pagka-Diyos.

*Nang sumigaw si Jesus ng: “Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?” tiyak na hindi siya naniwala na siya mismo ang Diyos

Si Jesus ay May Limitadong Kaalaman

NANG ihula ni Jesus ang hinggil sa katapusan ng sistemang ito, sinabi niya: “Hinggil sa araw at oras ay walang nakakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, kundi ang Ama lamang.” (Marcos 13:32, RS, edisyong Katoliko) Kung si Jesus ay Anak na kapantay sa pagka-Diyos, alam din sana niya ang nalalaman ng Diyos. Ngunit hindi alam ni Jesus, sapagkat hindi siya kapantay ng Diyos.

Kahawig nito, mababasa sa Hebreo 5:8 na si Jesus ay “natuto ng pagsunod mula sa mga bagay na kaniyang tiniis.” Isipin kaya natin na ang Diyos ay may dapat pang matutuhan? Hindi, si Jesus lamang, sapagkat hindi niya alam ang lahat ng alam ng Diyos. At dapat siyang matuto ng isang bagay na kailanma’y hindi na dapat matutuhan ng Diyos- pagsunod. Ang Diyos ay hindi sumusunod kahit kanino.

Ang pagkakaiba ng alam ng Diyos at ni Kristo ay nakilala rin nang si Jesus ay buhaying muli upang makasama ng Diyos sa langit. Pansinin ang unang mga salita sa huling aklat ng Bibliya: “Ang apokalipsis ni Jesu-Kristo, na ibinigay ng Diyos sa kaniya.”(Apocalipsis 1:1, RS, edisyong Katoliko) Kung si Jesus ay bahagi ng pagka-Diyos, kailangan pa ba niya ng kapahayagan mula sa isa pang bahagi ng pagka-Diyos- ang Diyos? Tiyak na alam na niya ito, yamang alam ito ng Diyos. Subalit hindi alam ni Jesus, palibhasa’y hindi siya ang Diyos.

Si Jesus ay Patuloy na Nagpapasakop

NANG hindi pa nagiging tao, at nang narito na sa lupa, si Jesus ay nagpasakop sa Diyos. Pag-karaang buhaying-muli, nagpatuloy siya sa isang katayuan ng pagiging-sakop, pagiging-pangalawa.

Nang binabanggit ang pagkabuhay-na-muli ni Jesus, ganito ang sinabi ni Pedro at ng mga kasama niya sa Judiong Sanhedrin: “Dinakila ng Diyos ang isang ito[si Jesus]… sa kaniyang kanang kamay.”(Gawa 5:31) Sinabi ni Pablo: “Dinakila siya ng Diyos sa isang mas mataas na katayuan.”(Filipos 2:9) Kung si Jesus ang Diyos, papaano dadakilain si Jesus, alalaong baga’y, itanghal siya sa mas mataas na katayuan kaysa dati? Dati na siyang dakilang bahagi ng Trinidad. Kung, bago dakilain, si Jesus ay kapantay ng Diyos, ang pag-dakila ay gagawa sa kaniya na mas mataas pa sa Diyos.

Sinabi din ni Pablo na si Kristo ay pumasok sa “langit, upang lumapit sa mismong harapan ng Diyos alang-alang sa atin.” (Hebreo 9:24, JB) Kung lalapit kayo sa harapan ng iba, papaanong mangyayari na kayo rin ang taong lalapitan? Hindi maaari. Dapat na kayo ay naiiba at hiwalay.

Kahawig nito, bago batuhin upang mamatay, ang martir na si Estebay ay “tumitig sa langit at nakita ang kaluwalhatian ng Diyos at ni Jesus na nasa kanang kamay ng Diyos.”(Gawa 7:55) Maliwanag, ang nakita niya ay dalawang hiwalay na indibiduwal- subalit walang banal na espiritu, walang Trinitaryong pagka-Diyos.

Sa Apocalipsis 4:8 hanggang 5:7, ang Diyos ay makikitang nakaupo sa kaniyang makalangit na trono, subalit wala si Jesus. Kailangan niyang lumapit upang abutin ang balumbon sa kanang kamay ng Diyos. Kaya sa langit si Jesus ay hindi ang Diyos kundi hiwalay sa kaniya.

Bilang pag-ayon sa nabanggit, sinasabi ng Bulletin of the John Rylands Library sa Manchester, Ingglatiyera: “Sa makalangit na buhay matapos buhaying-muli, si Jesus ay inilalarawan taglay ang personal na indibiduwalismo na tangi at hiwalay sa persona ng Diyyos na gaya noong nasa lupa pa siya bilang ang makalupang si Jesus. Kung iaagapay at ihahambing sa Diyos, siya ay makikita bilang isa lamang makalangit na nilalang sa makalangit na korte ng Diyos, gaya din ng mga anghel- bagaman bilang Anak ng Diyos, iba ang kaniyang kategorya, at mas mataas ang ranggo kaysa sa kanila.-Ihambing ang Filipos 2:11.

Sinasabi din ng Bulletin: “Gayunman, ang sinasabi hinggil sa kaniyang buhay at tungkulin bilang makalangit na Kristo ay hindi nangangahulugan ni nagpapahiwatig na sa banal niyang katayuan siya ay kapantay mismo ng Diyos at ganap na siyang Diyos. Kabaligtaran pa nga, ang Bagong Tipang larawan ng makalangit niyang katauhan at ministeryo ay nagpapaaninaw ng isang larawan na kapuwa hiwalay at nasasakop ng Diyos.”

*Ang pagsasaliksik sa Bagong Tipan ay umakay sa lumalaking bilang ng mga mapagkakatiwalaang iskolar ng Bagong Tipan upang ipasiya na si Jesus ay hindi kailanman naniwala na siya ang Diyos.-Bulletin of the John Rylands Library

Kailanma’y Hindi Inangkin ni Jesus na Siya ang Diyos

MALIWANAG ang paninindigan ng Bibliya. Si Jehova, ang Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat, ay hindi lamang persona na hiwalay kay Jesus kundi lagi Siyang mas mataas. Si Jesus ay laging inihaharap bilang hiwalay at mas mababa, maamong lingkod ng Diyos. Kaya malinaw ang sabi ng Bibliya na “ang ulo ng Kristo ay ang Diyos” kung paanong “ang ulo ng bawa’t lalaki ay si Kristo.” (1 Corinto 11:3) Ito ang dahilan kung bakit sinabi mismo ni Jesus: “Ang Ama ay mas dakila kaysa sa akin.”-Juan 14:28, RS, edisyong Katoliko.

Si Jesus ay hindi talaga ang Diyos at kailanmay ay hindi niya inangkin ang ganito. Nakikilala ito ng dumaraming bilang ng mga iskolar. Gaya ng sinasabi ng Bulletin ng Rylands: “Dapat harapin ang katotohanan na ang pagsasaliksik sa Bagong Tipan sa nakaraang tatlumpu o apatnapung taon ay umakay sa lumalaking bilang ng mga mapagkakatiwalaang iskolar ng Bagong Tipan upang ipasiya na si Jesus. . . ay hindi kailanman naniwala na siya nga ang Diyos.”

Sinasabi din ng Bulletin hinggil sa unang-siglong mga Kristiyano: “Kapag iniuukol nila[kay Jesus] ang mararangal na titulong gaya ng Kristo, Anak ng tao, Anak ng Diyos at Panginoon, ito’y paraan ng pagpapakilala sa kaniya, hindi bilang Diyos, kundi siya ang tumupad sa gawa ng Diyos.”

Kaya, inaamin na rin ng mga relihiyosong iskolar na ang ideya ng pagiging-Diyos ni Jesus ay salungat sa buong patotoo ng Bibliya. Doon, ang Diyos ay laging mas mataas, at si Jesus ang mapagpasakop na lingkod.

Ang Banal na Espiritu – Ang Aktibong Puwersa ng Diyos

AYON sa doktrina ng Trinidad, ang banal na espiritu ay ang ikatlong persona ng pagka-Diyos, kapantay ng Ama at ng Anak. Gaya ng sinasabi ng aklat na Our Orthodox Christian Faith: “Ang Espiritu Santo ay Diyos na totoo.”

Sa mga Hebreong Kasulatan, ang salitang pinakamalimit gamitin para sa “espiritu” ay ang ru’ach, na nangangahulugang “hininga; hangin; espiritu.” Sa mga Kasulatang Griyego, ang salita ay pneu’ma, na gayon din ang kahulugan. Ipinahihiwatig ba ng mga salitang ito na ang banal na espiritu ay bahagi ng isang Trinidad?

Isang Aktibong Puwersa

ANG paggamit ng Bibliya sa “banal na espiritu” ay nagpapahiwatig na ito ay isang kontroladong puwersa na ginagamit ng Diyos na Jehova sa pagsasakatuparan ng kaniyang iba’t-ibang layunin. Sa isang paraan, ito ay maihahalintulad sa elektrisidad, isang puwersa na maiaangkop sa pagganap ng sarisaring gawain.

Sa Genesis 1:2 sinasabi ng Bibliya na “ang aktibong puwersa ng Diyos [“espiritu (Hebreo, ru’ach)] ay nagyayao’t dito sa ibabaw ng mga tubig. “Dito, ang espiritu ng Diyos ay ang kaniyang aktibong puwersa na kumikilos upang magbigay-anyo sa lupa.

Ginagamit ng Diyos ang kaniyang espiritu upang maliwanagan ang mga lingkod niya. Nanalangin si David: “Turuan mo akong gawin ang iyong kalooban, sapagkat ikaw ay aking Diyos. Ang iyong espiritu [ru’ach] ay mabuti; akayin nawa ako nito sa lupain ng katuwiran.” (Awit 143:10) Nang atasan ang 70 may-kakayahang lalaki upang tumulong kay Moises, sinabi ng Diyos: “Kukunin ko ang isang bahagi ng espiritu [ru’ach] na nasa iyo at aking isasalin sa kanila.”-Bilang 11:17.

Ang hula ng Bibliya ay naisulat nang ang mga tauhan ng Diyos ay ‘maudyukan ng banal ma espiritu[Griyego, mula sa pneuma’].’ (2 Peter 1:20, 21) Kaya ang Bibliya ay “kinasihan ng DIyos,” at ang salitang Griyego para dito ay The-o’pneu-stos, na nangangahulugang “hiningahan ng Diyos.” (2 timoteo 3:16) Banal na espiritu rin ang pumatnubay sa ilang tao upang makakita ng mga pangitain at makahulugang mga panaginip.-2 Samuel 23:2; Joel 2:28,29; Lucas 1:67; Gawa 1:16; 2:32,33.

Banal na espiritu ang nag-udyok kay Jesus na pumaroon sa ilang pagkatapos mabautismuhan. (Marcos 1:12) Ang espiritu ay gaya ng apoy sa katawan ng mga lingkod ng Diyos, kaya sila ay napalalakas ng puwersang ito. Ang ito ang nag-udyok sa kanila na magsalita nang may kagitingan at tibay-loob.-Mikas 3:8; Gawa 7:55-60; 18; 25; Roma 12:11; 1 Tesalonica 5:19.

Sa pamamagitan ng espiritu niya, iginagawad ng Diyos ang kaniyang hatol sa mga tao at mga bansa.(Isaias 30:27, 28, 59:18, 19) Ang espiritu ng Diyos ay nakakarating saanman, at kumikilos nang pabor sa tao o laban sa kanila.-Awit 139:7-12.

‘Kapangyarihan na Higit sa Karaniwan’

ANG espiritu ng Diyos ay naglalaan din ng “kapangyarihan na higit sa karaniwan” para sa mga lingkod niya. (2 Corinto 4:7) Tumutulong ito upang matiis nila ang mga pagsubok sa pananampalataya o upang magawa ang mga bagay na hindi nila karaniwang magagawa.

Halimbawa, sinasabi ng Hukom 14:6 hinggil kay Samsom: “Ang espiritu ni Yahweh ay nanaig sa kaniya, at bagaman walang hawak na sandata ay napaglurayluray niya ang leon.” (JB) Aktuwal bang persona, upang pakilusin ang katawan niya na gawin ang kaniyang ginawa? Hindi, talagang “kapangyarihan ng PANGINOON [ang] nagpalakas kay Samsom.”-TEV.

Sinasabi ng Bibliya na nang bautismuhan si Jesus, nanaog sa kaniya ang banal na espiritu sa anyong kalapati, hindi sa anyong tao. (Marcos 1:10) Dahil sa aktibong puwersang ito ng Diyos si Jesus ay nakapagpagaling ng mga maysakit at bumuhay ng mga patay. Gaya ng sinasabi ng Lucas 5:17: “Ang Kapangyarihan ng Panginoon [Diyos] ang nasa likod ng mg pagpapagaling [ni Jesus.”].”-JB.

Ang espiritu dun ng Diyos ang nagbigay sa mga alagad ni Jesus ng kapangyarihan upang gumawa ng mga himala. Isinasalaysay ng Gawa 2:1-4 na ang mga alagad ay samasamang nagkakatipon noong Pentekostes nang “biglang dumating mula sa langit ang isang ugong na gaya ng humahaginit na hangin . . . at silang lahat ay napuspos ng banal na espiritu at nagpasimulang magsalita sa iba’t-ibang wika, ayon sa ipinagkaloob sa kanila ng espiritu na kanilang salitain.”

Kaya si Jesus at ang iba pang lingkod ng Diyos ay binigyan ng banal na espiritu ng kapangyarihan upang gawin ang hindi karaniwang magagawa ng tao.

Hindi Isang Persona

GAYUNMAN, hindi ba may mga talata sa Bibliya na tumutukyo sa banal na espiritu sa mga katagang nauukol sa tao? Oo, ngunit pansinin ang sinasabi tungkol dito ng Katolikong teologo na si Edmund Fortman sa The Triune God: “Bagaman ang espiritu ay malimit ilarawan ng mga katagang nauukol sa tao, ang espiritung ito ay maliwanag na hindi inakala o iniharap ng sagradong mga manunulat [ng mga Kasulatang Hebreo] bilang persona.”

Sa mga Kasulatan hindi kakatwa na ang isang bagay ay ilarawan bilang tao. Ang karunungan ay sinasabing may mga anak. (Lucas 7:35) Ang kasalanan at kamatayan ay tinatawag na mga hari. (Roma 5:14, 21) Sa Genesis 4:7 sinasabi ng The New English Bible (NE): “Ang kasalanan ay isang demonyo na nag-aabang sa pintuan,” kaya ang kasalanan ay inilalarawan bilang balakyot na espiritu na nag-aabang sa pintuan ni Cain. Subalit, ang kasalanan ay hindi talagang isang espiritung persona; at ang paghahalintulad ng banal na espiritu sa tao ay hindi gumagawa rito na isang espiritung persona.

Kahawig nito, sa 1 Juan 5:6-8 (NE) hindi lamang ang espiritu kundi maging “ang tubig, at ang dugo” ay tinutukoy bilang “mga saksi.” Ngunit ang tubig at dugo ay maliwanag na hindi mga persona, kung papaanong ang banal na espiritu ay hindi rin persona.


Kasuwato nito ay ang karaniwang gamit sa Bibliya ng “banal na espiritu” sa paraang di kahalintulad ng tao, gaya ng paghahambing nito sa tubig at apoy. (Mateo 3:11; Marcos 1:8) Ang mga tao ay hinihimok na mapuspos ng banal na espiritu sa halip na ng alak. (Efeso 5:18) Sila ay napupuspos ng banal na espiritu kung papaanong sila ay napupuspos din ng mga katangiang gaya ng karunungan, pananampalataya, at kagalakan.(Gawa 6:3, 11;24; 13:52) at sa 2 Corinto 6:6 ang banal na espiritu ay isinama sa maraming katangian. Hindi madalas gagamitin ang mga pangungusap na ito kung ang banal na espiritu ay talagang isang persona.

At bagaman may mga teksto sa biblyia na nagsasabing ang espiritu ay nagsasalita, ipinakikita ng ibang teksto na ito ay ginagawa sa pamamagitan ng tao o ng anghel. (Mateo 10:19, 20; Gawa 4:24, 25; 28:25; Hebreo 2:2) Ang pagkilos ng espiritu sa mga kalagayang ito ay gaya ng mga sinag ng radio na naghahatid ng mensahe mula sa isang tao patungo sa ibang tao na nasa malayo.

Sa Mateo 28:19 ay binabanggit ang “pangalan. . . ng banal na espiritu.” Subalit, sa Griyego man o sa Ingles, ang “pangalan” ay hindi laging nangangahulugan ng personal na pangalan. Kapag sinabing “sa pangalan ng batas,” hindi natin tinutukoy ang isang persona. Ang tinutukoy natin ay yaong kinakatawanan ng batas, ang autoridad nito. Sinasabi ng Word Pictures in the New Testament ni Robertson: “Ang paggamit dito ng pangalan (onoma) ay karaniwan sa Septuagint at sa mga papiro bilang katumbas ng kapangyarihan o autoridad.” Kaya ang pagbautismo sa pangalan ng banal na espiritu’ ay ang pagkilala sa kapangyarihan ng espiritu, na ito’y mula sa Diyos at kumikilos ayon sa banal na kalooban.

Ang “Katulong”

TINUKOY ni Jesus ang banal na espiritu bilang isang “katulong,” at sinabi nyia na ito ay mag-tuturo, papatnubay, at magsasalita. (Juan 14:16, 26; 16:13) Ang salitang Griyego para sa katulong (pa-ra ‘kle-tos) ay nasa kasariang panlalaki. Kaya nang tukuyin ni Jesus kung ano ang gagawin ng katulong, gumamit siya ng panghalip panao na panlalaki. (Juan 16:7, 8) Sa kabilang dako, kapag ang ginamit ay pambalaking salitang Griyego para sa espiritu (pneu’ma), ang pambalaking panghalip na “ito” ay wastong ginagamit.

Ito ay inililihim ng karamihan sa mga trinitaryong tagapagsalin, gaya ng inaamin ng Katolikong New American Bible hinggil sa Juan 14:17: “Ang salitang Griyego para sa ‘Espiritu’ ay pambalaki, at bagaman gumagamit tayo ng mga panghalip panao sa Ingles (‘siya’, ‘kaniya’, ‘niya’), karamihan ng mga Griyegong MSS [manuskrito] ay gumagamit ng ‘ito’.

Kaya kapag ang Bibliya ay gumagamit ng mga panlalaking panghalip panao kaugnay ng pa-ra’kletos sa Juan 16:7, 8, ito ay pag-ayon sa mga tuntunin ng balarila, at hindi pagpapahayag ng isang doktrina.

Hindi Bahagi ng Isang Trinidad

KINIKILALA ng iba’t-ibang reperensiya na ang BIbliya ay hindi umaalalay sa paniwala na ang banal na espiritu ay ang ikatlong persona ng Trinidad. Halimbawa:

The Catholic Encyclopedia: “Saanman sa Matandang Tipan ay hindi makasusumpong ngm alinaw na pahiwatig hinggil sa Ikatlong Persona.”

Ang Katolikong teologo na si Fortman: “Ang espiritu ay hindi kailanman itinuring ng mga Judio bilang persona; wala ring matatag na ebidensiya na ganito ang paniwala ng alinmang manunulat sa Matandang Tipan . . . Ang Espiritu Santo ay inihaharap sa mga Sinoptiko [mga Ebanghelyo] at sa Mga Gawa bilang isang banal na puwersa o kapangyarihan.”

Ang New Catholic Encyclopedia: “Maliwanag na ang M[atandang] T[ipan] ay hindi naglalarawan sa espiritu ng Diyos bilang persona. . . Ang espiritu ng Diyos ay kapangyarihan lamang ng Diyos. Kung inihaharap ito paminsanminsan nang hiwalay sa Diyos, yao’y sapagkat ang hininga ni Yahweh ay kumikilos nang papalabas:” Sinasabi din dito: “Ang espiritu ng Diyos ay ipinakikilala ng karamihan ng mga talata sa B[agong] T[ipan] bilang isang bagay, hindi bilang isang persona; makikita ito lalung-lalo na sa pagkakahawig ng espiritu at ng kapangyarihan ng Diyos.”-Amin ang italiko.

A Catholic Dictionary: “Sa kabuuan, ang Bagong Tipan, gaya ng Matanda, ay bumabanggit sa espiritu bilang banal na lakas o puwersa.”

Kaya, hindi itinuring ng mga Judio o ng sinaunang mga Kristiyano, ang banal na espiritu bilang bahagi ng Trinidad. Ang turong ito ay lumitaw pag-karaan lamang ng maraming dantaon. Gaya ng sinasabi ng A Catholic Dictionary: “Ang ikatlong persona ay pinagtibay ng Konsilyo ng Aleksandriya noong 362 . . . at sa wakas ay sa Konsilyo ng Constantinople noong 381” – mga tatlo at kalahating siglo pagkatapos na ang mga alagad ay mapuspos ng banal na espiritu noong Pentekostes!

Oo, ang banal na espiritu ay hindi isang persona at hindi ito bahagi ng isang Trinidad. Ang banal na espiritu ay ang aktibong puwersa ng Diyos na ginagamit niya sa pagsasakatuparan ng kaniyang kalooban. Hindi ito kapantay ng Diyos kundi laging nasa ilalim ng kapangyarihan niya at nasasakop niya.

Kumusta ang “Mga Tekstong Patotoo” sa Trinidad?

DI-UMANO may mga teksto sa Bibliya na nagpapatotoo sa Trinidad. Gayumpaman, kapag binabasa ang mga ito, dapat isaisip na ang ebidensiya ng Bibliya at kasaysayan ay hindi umaalalay sa Trinidad.

Ang alinmang pagtukoy sa Bibliya na inihahanarap bilang patotoo ay dapat unawain sa konteksto ng di-nagbabagong turo ng buong Bibliya. Malimit na ang tunay na kahulugan ng teksto ay nililiwanag ng konteksto ng nakapaligid na mga talata.

Tatlo sa Isa

ANG New Catholic Encyclopedia ay naghaharap ng tatlong “tekstong patotoo” nguni’t inaamin din nito na: “Ang doktrina ng Santisima Trinidad ay hindi itinuturo sa M[atandang] T[ipan]. Sa B[agong] T[ipan] ang pinakamatandang katibayan ay ang mga liham ni Pablo, lalo na ang 2 Cor 13.13 [talatang 14 sa ilang Bibliya], at 1 Cor 12.4-6. Sa mga Ebanghelyo ang ebidensiya ng Trinidad ay maliwanag na matatagpuan lamang sa balangkas ng bautismo na nasa Mt.28.19.”

Sa mga talatang yaon ang tatlong “persona” ay itinatala ayon sa pagkakasunudsunod sa The New Jerusalem Bible. Ang tatlo ay pinagsasamasama ng 2 Corinto 13:13 (14) sa ganitong paraan: “Ang biyaya ng Panginoong Jesu-Kristo, ang pag-ibig ng Diyos at ang pakikisama ng Espiritu Santo ay samainyong lahat.” Ang 1 Corinto 12:4-6 ay nagsasabi: “May iba’t-ibang kaloob, datapuwat iisa ang Espiritu; may iba’t-ibang paraan ng paglilingkod, datapuwat iisa ang Panginoon. May iba’t-ibang gawain, datapuwat sa lahat ay iisa ang Diyos na gumagawa sa lahat.” At sa Mateo 28:19 ay mababasa: “Humayo, kung gayon, at gumawa ng mga alagad sa lahat ng bansa; binyagan sila sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo.”

Sinasabi ba ng talatang ito na ang Diyos, si Kristo, at ang banal na espiritu ay bumubuo ng isang Trinitaryong pagka-Diyos, na pantay-pantay sila sa sangkap, kapangyarihan, at kawalang-hanggan? Hindi, hindi nga, kung papaanong ang pagtatala ng tatlong tao, gaya ng Tito, Vic, at Joey, ay hindi nangangahulugan na ang tatlo ay iisa.

Ang pagtukoy na ito, ayon sa Cyclopedia of Biblical, Theological, and Ecclesiastical Literature nina McClinktock at Strong, “ay patotoo lamang na umiiral nga ang tatlong personang nabanggit, . . . nguni’t, sa ganang sarili, hindi ito patotoo na ang tatlo ay may pagka-diyos, at magkakapantay sa maka-diyos na karangalan.”

Bagaman nagtataguyod sa Trinidad, sinasabi ng reperensiyang ito hinggil sa 2 Corinto 13:13(14): “Hindi naming mahihinuha nang may kawastuan na sila ay may pantay-pantay na kapamahalaan, o iisa ang kalikasan.” At sinasabi nito tungkol sa Mateo 28:18-20: “Ang teksto, sa ganang sarili, ay hindi tiyakang magpapatunay sa personalidad ng tatlong tauhang nabanggit, ni sa pagkakapantay o pagka-diyos” nila.

Nang bautismuhan si Jesus, ang Diyos, si Jesus, at ang banal na espiritu ay binabanggit din sa iisang konteksto. Nakita ni Jesus “ang espiritu ng Diyos na bumababang gaya ng kalapati at lumalapag sa kaniya.” (Mateo 3:16) Gayunman, hindi ito nagsasabi na ang tatlo ay iisa. Sina Abraham, Isaac, at Jacob ay malimit banggitin nang samasama, subalit hindi ito nangangahulugan na sila ay iisa. Sina Pedro, Santiago, at Juan ay binabanggit na magkakasama, ngunit hindi rin ito nangangahulugan na sila’y iisa. Bukod dito, ang espiritu ng Diyos ay lumapag kay Jesus nang siya’y bautismuhan, na nagpapakita na si Jesus ay hindi pinahiran ng espiritu hanggang sa panahong yaon. Kaya, papaano siya magiging bahagi ng isang Trinidad na kung saan lagi siyang kaisa ng banal na espiritu?

Isa pang pagtukoy na samasamang bumabanggit sa tatlo ay ang 1 Juan 5:7 sa ilang mas matatandang salin ng Bibliya. Gayunman, inaamin ng mga iskolar na wala ito sa orihinal na Bibliya. Kundi idinagdag lamang noong dakong huli. Wasto lamang na inalis ng karamihan ng makabagong mga salin ang huwad na tekstong ito.

Ang iba pang “tekstong patotoo” ay bumabanggit sa ugnayan lamang ng dalawa- ng Ama at ni Jesus. Isaalang-alang natin ang ilan dito.

“Ako at ang Ama ay Iisa”

ANG tekstong ito, sa Juan 10:30, ay madalas sipiin bilang alalay sa Trinidad, bagaman walang pagbanggit sa ikatlong persona. Subalit si Jesus mismo ang nagpakita kung ano ang gusto niyang sabihin ng pagiging “iisa” niya at ng Ama. Sa Juan 17:21, 22, nanalangin siya sa Diyos n asana ang kaniyang mga alagay ay “maging isa, gayo mo, Ama, sa akin, at ako’y sa iyo, na sila’y maging kaisa natin, . . . upang sila ay maging isa gaya natin na iisa.” Nanalangin ba si Jesus na lahat ng kaniyang alagad ay maging iisang tauhan? Hindi, maliwanag na nanalangin si Jesus na sila ay maging isa sa isip at layunin, gaya niya at ng Diyos.- Tingnan din ang 1 Corinto 1:10.

Sa 1 Corinto 3:6, 8, sinasabi ni Pablo: “Ako ang nagtanim, si Apollo ang nagdilig . . . Ang nagtatanim at ang nagdidilig ay iisa.” Hindi gustong sabihin ni Apollo ay dalawang persona sa isa; gusto niyang sabihin ay nagkakaisa sila sa layunin. Ang salitang Griyego na ginamit ni Pablo para sa “isa” (hen) ay pambalaki, na sa literal ay “isang (bagay),” at nagpapahiwatig ng pagiging-isa sa pagtutulungan. Ito rin ang salitang ginamit ni Jesus sa Juan 17:21, 22. Kaya nang gamitin niya ang salitang “isa” (hen) sa mga tekstong ito, ang itinutukoy niya ay pagkakaisa ng isip at layunin.

Hinggil sa Juan 10:30, ay ganito ang sinabi ni John Calvin (na isa ring Trinitaryo) sa aklat na Commentary on the Gospel According to John: “Nagkamali ang mga sinauna sa paggamit ng talatang ito upang patunayan si Kristo ay . . . kaisang sangkap ng Ama. Si Kristo ay hindi nagsasalita tungkol sa pagkakaisa ng sangkap, kundi sa pakikipagsang-ayon niya sa Ama.”

Sa mismong konteksto ng mga talatang kasunod ng Juan 10:30, idiniin ni Jesus na hindi niya inaangkin ang pagiging Diyos. Tinanong niya ang mga Judio na nagkamali ng unawa at gustong bumato sa kaniya: “Pinararatangan ba ninyo ako ng pamumusong dahil sa ako, na itinalaga at isinugo ng aking ama sa sanlibutan ay nagsabi, ‘Ako ang anak ng Diyos’?” (Juan 10:31-36, NE) Hindi inangkin ni Jesus na siya ang Diyos-Anak, kundi ang Anak ng Diyos.

“Nakikipantay sa Diyos”?

ISA pang kasulatan na inihaharap bilang alalay sa Trinidad ay ang Juan 5:18. Sinasabi nito na si Jesus ay balak patayin ng mga Judio (gaya ng sa Juan 10:31-36) sapagkat “ang Diyos ay tinatawag niya na sarili niyang Ama, at siya’y nakikipantay sa Diyos.”

Ngunit sino ang nagsabi na si Jesus ay nakikipantay sa Diyos? Hindi si Jesus. Ipinagtatanggol niya ang sarili laban sa maling paratang na ito sa susunod na talata mismo(19): “Ang paratang ay sinagot ni Jesus . . . ‘walang magagawa ang Anak sa ganang kaniya; magagawa lamang niya ang nakikita niyang ginagawa ng Ama.’”-JB.

Dito ipinakita ni Jesus sa mga Judio na hindi siya kapantay ng Diyos at hindi nga makakikilos sa ganang sarili. Isipan lamang, masasabi ba niya na siya ay”walang magagawa sa ganang kaniya” kung kapantay siya ng Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat? (Ihambing ang Daniel 4:34, 35.)

Kapansinpansin, ang konteksto ng Juan 5:18 at 10:30 ay kapuwa nagpapakita na nagtanggol si Jesus laban sa paratang ng mga Judio na nagkakamali ng pasiya, gaya ng mga Trinitaryo!

“Kapantay ng Diyos”?

SA FILIPOS 2:6 ang Katolikong Douay Version(DY) ng 1609 ay nagsasabi hinggil kay Jesus: “Siya bagaman nasa anyong Diyos, ay hindi nag-akala na pagnanakaw ang maging kapantay ng Diyos.” Ganito rin halos ang mababasa sa King James Version (KJ) ng 1611. Ang ilan sa ganitong salin ay ginagamit pa rin upang suhayan ang paniwala na si Jesus ay kapantay ng Diyos. Subali’t pansinin kung papaano binabanggit ng ibang salin ang talatang ito:
1869: “siya, bagaman may anyong Diyos, ay hindi nag-akala na dapat agawin ang pagiging kapantay ng Diyos.” The New Testament, ni G. R. Noyes.
1965: “Siya- na likas ang pagka-dibino!- ay hindi kailanman nangahas na ipantay ang sarili sa Diyos.” Das Neue Testament, rebisadong edisyon, ni Friedrich Pfafflin.
1968: “siya, bagaman nasa anyong Diyos, ay hindi nag-akala na ang pagiging kapantay niya sa Diyos ay dapat angkinin nang may kasakiman para sa sarili.” La Bibbia Concordata.
1976: “Laging nasa kaniya ang kalikasan ng Diyos, bualit hindi niya inisip na sapilitin siyang makikipantay sa Diyos.” Today’s English Version.
1984: “siya, bagaman nasa anyong Diyos, ay hindi nagpanukala ng pang-aagaw, alalaong baga’y, na siya’y maging kapantay ng Diyos.” New World Translation of the Holy Scriptures.
1985: “Siya, palibhasa nasa anyong Diyos, ay hindi umasa na dapat sunggaban ang pagiging kapantay ng Diyos.” The New Jerusalem Bible.

Gayumpaman, inaangkin ng iba na ang mas wastong mga saling ito ay nagpapahiwatig pa rin na (1) si Jesus ay kapantay subalit ayaw lamang niyang manghawakan dito o (2) hindi na niya kailangang agawin ang pagiging kapantay sapagkat taglay na niya ito.

Kaugnay nito, si Ralph Martin, sa The Epistle of Paul to the Philippians, ay nagsasabi hinggil sa orihinal na Griyego: “Sa kabila nito, may pag-aalinlangan kung ang tunay na kahulugan ng pandiwa na ‘umagaw’, ‘sumunggab’ ay maaaring ilihis tungo sa ‘manghawakang mahigpit.’” Sinasabi din ng The Expositor’s Greek Testament: “Wala kaming makitang anomang talata na kung saan ang [har-pa’zo] o alinman sa mga anyo nito ay nangangahulugan ng ‘panghahawakan,’ ‘pag-iingat’. Tila ito ay laging may kahulugan na ‘agawin,’ ‘sunggaban’. Kaya hindi tayo maaaring lumihis sa ‘hawakang mahigpit’, na lubhang naiiba.”

Maliwanag mula rito na ang mga tuntunin ay pinilipit ng mga nagsalin ng mga bersiyong tulad ng Douay at ng King James upang alalayan ang mga layuning Trinitaryo. Kapag binabasa nang walang pagkiling ang Griyego sa Filipos 2:6, mismong kabaligtaran ang makikita, sa halip na sabihing inakala ni Jesus na wasto ang maging kapantay ng Diyos, si Jesus ay hindi nag-akala na ito ay wasto.

Nililiwanag ng konteksto ng nakapaligid na mga talata (3-5,7,8,Du) kung papaano uunawain ang bersikulo 6. Ang mga taga-Filipos ay hinimok: “Sa kababaan ng isip, bawat isa ay magpahalaga sa iba nang higit kaysa kaniyang sarili.” Pagkatapos ay ginamit ni Pablo si Kristo bilang namumukod na halimbawa ng saloobing ito: “Magkaroon kayo ng ganitong pag-iisip, na na kay Kristo Jesus din naman.” Anong “pag-iisip”? Ang ‘mag-akalang hindi pagnanakaw ang maging kapantay ng Diyos”? Hindi, magiging taliwas ito sa puntong idinidiin. Sa halip, si Jesus, na ‘nagpahalaga sa Diyos nang higit kaysa sa kaniyang sarili,’ ay hindi kailanman ‘sumunggab sa pagiging kapantay ng Diyos,’ kundi “nagpakababa sa sarili, at naging masunurin hanggang kamatayan.”

Tiyak, ito ay hindi tumutukoy sa alinmang bahagi ng Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat. Tumutukoy ito kay Jesu-Kristo, na buong-sakdal na lumarawan sa puntong idiniin ni Pablo- alalaong baga, ang pagpapakumbaba at pagsunod sa Nakatataas at Maylikha, ang Diyos na Jehova.

“Ako Nga”

AYON sa ilang salin, gaya ng halimbawa ng The Jerusalem Bible, si Jesus ay nagsabi sa Juan 8:58: “Bago pa si Abraham, ay Ako Nga.” Dito ba’y itinuturo ni Jesus na siya ay kilala sa pamagat na “Ako Nga” gaya ng pag-aangkin ng mga Trinitaryo? At, gaya ng pag-aangkin nila, nangangahulugan ba ito na siya ang Jehova ng mga Kasulatang Hebreo, yamang ang King James Version ay nagsasabi sa Exodo 3:14 na: “Sinabi ng Diyos kay Moises, AKO YAONG AKO NGA”?

Sa Exodo 3:14 (KJ) ang pariralang “AKO NGA” ay titulo ng Diyos na ginagamit upang ipahiwatig na umiiral nga siya at na gagawin niya ang kaniyang ipinangako. Sinasabi hinggil dito ng The Pentateuch and Haftorahs, sa pamamatnugot ni Dr. J. H. HertzL “Para sa mga aliping Israelita, ang kahulugan nito ay ‘Bagaman hindi pa Niya naipamalas ang kapangyarihan Niya, ito ay gagawin Niya; Siya ay walang-hanggan at tiyak na tutubusin Niya kayo.’ Maraming makabago ay sumusunod kay Rashi[Pranses na komentarista sa Bibliya at sa Talmud] sa pagsasalin [sa Exodo 3:14] na ‘Ako ay magiging kung ano ako.”

Ang pananalita ng Juan 8:58 ay lubhang naiiba sa pananalita ng Exodo 3:14. Hindi ito ginamit ni Jesus bilang pangalan o pamagat kundi bilang palwianag sa pag-iral niya bago naging tao. Pansinin kung papaano inihaharap ng ibang salin sa Bibliya ang Juan 8:58:
1869: “Mula noong bago pa kay Abraham, ay umiiral na ako.” The New Testament, ni G. R. Noyes.
1935: “Buhay na ako bago pa isilang si Abraham!” The Bible- An American Translation, nina J. M. P. Smith at E. J. Goodspeed.
1965: “Bago pa isilang si Abraham, ako yaong ako nga.” Das Neue Testament, ni Jorg Zink.
1981: “Nabubuhay na ako bago pa isilang si Abraham!” The Simple English Bible.
1984: “Bago pa umiral si Abraham, ay umiral na ako.” New World Translation of the Holy Scriptures.
Kaya, ang tunay na diwa ng salitang Griyego na ginamit dito ay na ang “panganay” na nilalang ng Diyos, si Jesus, ay dati nang umiiral matagal na panahon pa bago isilang si Abraham.- Colosas 1:15; kawikaan 8:22, 23, 30; Apocalipsis 3:14.
Muli, ang konteksto ay nagpapakita na wasto ang unawang ito. Si Jesus ay gusto uling batuhin ng mga Judio dahil sa sinabi niyang “nakita si Abraham” bagaman, sabi nila, wala pa siyang 50 anyos.(Talatang 57) Likas lamang na tumugon si Jesus sa pagsasabi na totoong edad niya. Kaya likas lamang na sabihin niya na siya ay ‘buhay na bago pa isilang si Abraham!’-The Simple English Bible.

“Ang Salita ay Diyos”

SA JUAN 1:1 ang King James Version ay kababasahan: “Nang pasimula siya ang Salita at ang Salita ay kasama ng Diyos, at ang Salita ay Diyos.” Ayon sa mga Trinitaryo nangangahulugan ito na “ang Salita” (Griyego, ho lo’gos) na nanaog sa lupa bilang Jesu-Kristo ay ang Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat mismo.

Subalit, pansinin muli na ang konteksto ang naglalagay ng saligan sa wastong pag-unawa. Maging ang King James Version ay nagsasabi, “Ang Salita ay kasama ng Diyos.” (Amin ang italiko.) Ang isa na may “kasama” ay hindi maaaring maging ang tao ring kasama niya. Kaayon nito, sinasabi ng Journal of Biblical Literature na pinamatnugutan ng Jesuitang si Joseph A. Fitzmyer, na kung ang huling bahagi ng Juan 1:1 ay bibigyang-kahulugan ng “ang” Diyos, ito “ay sasalungat sa naunang sugnay,” na nagsasabing ang Salita ay kasama ng Diyos.

Pansinin din kung papaano inihaharap ng ibang salin ang bahaging ito ng talata:
1808: “at ang salita ay isang diyos.” The New Testament in an Improved Version, Upon the Basis of Archbishop Newcome’s New Translation: With a Corrected Text.
1864: “at isang diyos nag salita.” The Emphatic Diaglott, interlinear na pagbasa, ni Benjamin Wilson.
1928: “at ang Salita ay isang banal na nilikha.” La Bible du Centenaire, L’Evangile selon Jean, ni Maurice Goguel.
1935: “at ang Salita ay banal.” The Bible- An American Translation, nina J.M P. Smith at E. J. Goodspeed.
1946: “at ang Salita ay may banal na kaurian.” Das Neue Testament, ni Ludwig Thimme.
1950: “at ang Salita ay isang diyos.” New World Translation of the Christian Greek Scriptures.
1958: “at ang Salita ay isang Diyos.” The New Testament, ni James L. Tomanek.
1975: “at isang diyos (o, may banal na katangian) ang Salita.” Das Evangelium nach Johannes, ni Seigfried Schulz.
1978: “At ang Logos ay may kauriang tulad-sa-diyos.” Das Evangelium nach Johannes, ni Johannes Schneider.
Sa Juan 1:1 ay dalawang beses lumilitaw ang pangngalang Griyego na the-os’ (diyos.). Ang una ay sa Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat na tumutukoy, na siyang kasama ng Salita (“ at ang Salita [lo’gos] ay kasama ng Diyos [isang anyo ng theos]”). Ang unang the-os’ ay kasunod ng salitang ton (ang), isang tiyak na pantukoy sa Griyego na tumutukoy sa natatanging pagkakakilanlan, na sa kalagayang ito ay ang Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat (“ at ang Salita ay kasama ng [ang] Diyos”).

Sa kabilang dako, walang pantukoy bago ang ikalawang the-os’ sa Juan 1:1. Kaya ito ay literal na isinasaling, “at diyos ang Salita.” Gayunma’y nakita natin na marami ang nagsasalin sa ikalawang the-os’ (pangngalang panaguri) bilang “banal,” tulad-diyos,” o “isang diyos.” Ano ang kaarapatan nila sa paggawa nito?

Ang wikang Griyegong Koine ay may isang tiyak na pantukoy (“ang”), nguni’t wala itong pantukoy na di-tiyak (“isang”). Kaya kapag ang isang pangngalang panaguri ay hindi kasunod ng tiyakang pantukoy, ito ay walang-katiyakan, depende sa konteksto.

Sinasabi ng Journal of Biblical Literature na ang mga pangungusap na “may panaguring anarthrous[walang pantukoy] ay nagpapahiwatig ng katangian kapag sinusundan ng pandiwa.” Gaya ng iniuulat ng Journal, ito ay nagpapahiwatig na ang lo’gos ay maihahalintulad sa isang diyos. Sinasabi din nito hinggil sa Juan 1:1: “Ang puwersa ng panaguri bilang katangian ay litaw-na-litaw anupa’t ang pangngalan [the-os] ay hindi maituturing na tiyakan.”

Kaya itinatampok ng Juan 1:1 ang katangian ng Salita, “banal,” “tulad-sa-diyos,” “isang diyos,” hindi Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat. Katugma ito ng buong Bibliya, na nagpapakita na si Jesus, na dito’y tinatawag “ang Salita” dahil sa kaniyang papel na Tagapagsalita ng Diyos, ay isang masunuring sakop na isinugo sa lupa na Nakatataas sa kaniya, ang Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat.

Marami pang ibang talata sa Bibliya na kung saan halos lahat ng tagapagsalin sa ibang mga wika ay nagsisingit ng pantukoy na “isang” kapag nagsasalin ng mga pangungusap sa Griyego na may gayon ding balangkas. Halimbawa, sa Marcos 6:49, nang makita ng mga alagad na si Jesus ay lumalakad sa ibabaw ng tubig, sinasabi ng King James Version: “Inakala nila na yaon ay isang espiritu.” Sa Griyegong Koine, walang “isang” bago ang “espiritu.” Subalit halos lahat ng salin sa ibang mga wika ay naglalagay ng “isang” upang iangkop ang salin sa konteksto. Kaya, yamang ipinakikita ng Juan 1:1 na ang Salita ay kasama ng Diyos, hindi siya maaaring maging ang Diyos kundi “isang diyos,” o “banal”.

Si Joseph Henry Thayer, teologo at iskolar na kasali sa paghahanda ng American Standard Version, ay nagsabi sa payak na pananalita: “Ang Logos ay banal, hindi ang mismong banal na Maykapal.” At ang Jesuitang si John L. McKenzie ay sumulat sa kaniyang Dictionary of the Bible: “Ang Jn 1:1 ay dapat na buong-higpit na isaling . . . ‘ang salita ay isang banal na nilikha.’”

Paglabag sa Isang Tuntunin?

GAYUMPAMAN, inaangkin ng iba na ang mga saling ito ay labag sa tuntunin ng balarilang Griyegong Koine na inilathala ng Griyegong iskolar na si E.C Colwell noong 1933. Inangkin niya na sa Griyego ang pangngalang panaguri “ay may [tiyak na] pantukoy kapag ito’y sumusunod sa pandiwa; walang [tiyak na] pantukoy kapag ito’y nauuna sa pandiwa.” Gusto niyang sabihin na ang pangngalang panaguri ay para na ring nagtataglay ng tiyak na pantukoy (“ang”) sa unahan nito kapag ito ay nauuna sa pandiwa. Sa Juan 1:1 ang pangalawang pangngalan (the-o’s), bilang panaguri, ay nauuna sa pandiwa-“at [the-os’] ay ang Salita.” Kaya, ayon kay Colwell, ang Juan 1:1 ay dapat basahing “at [ang] Diyos ay ang Salita.”

Subali’t kunin ang dalawang halimbawa na nasa Juan 8:44. Doo’y sinasabi ni Jesus hinggil sa Diyablo: “Siya ay isang mamamatay-tao” at “siya ay isang sinungaling.” Ang mga pangngalang panaguri (“mamamatay-tao” at “sinungaling”) ay nauuna sa pandiwa (“ay”) sa Griyego, gaya sa Juan 1:1. Walang di-tiyak na pantukoy sa pasimula ng bawat pangngalan sapagkat sa Griyegong Koine walang pantukoy na di-tiyak. Subalit ang “isang” ay isinisingit ng karamihan ng salin pagkat hinihiling ito ng balarilang Griyego at ng konteksto.-Tingnan din ang Marcos 11:32;Juan 4: 19; 6:70; 9:17; 10:1; 12:6.

Napilitan si Colwell na kilalanin ito hinggil sa pangngalang panaguri, sapagkat sinabi niya: “Ito ay di-tiyak [‘isang”] kapag hinihiling lamang ng konteksto.” Kaya inaamin mismo niya na kapag hinihiling ng konteksto, maaaring isingit ng mga tagapagsalin ang isang di-tiyak na pantukoy sa harapan ng pangngalan sa ganitong balangkas ng pangungusap.

Ang konteksto ba ay humihiling ng di-tiyak na pantukoy sa Juan 1:1? Oo, sapagkat sa patotoo ng buong Bibliya si Jesus ay hindi Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat. Kaya, hindi ang kahinahinalang tuntunin ni Colwell sa balarila, kundi ang konteksto ang dapat pumatnubay sa tagapagsalin sa ganitong kalagayan. At batay sa mga salin na nagsingit ng di-tiyak na pantukoy na “isang” sa Juan 1:1 at sa iba pang dako, maraming iskolar at maging ang Salita ng Diyos mismo, ay hindi sumasang-ayon sa ganitong artipisyal na tuntunin.

Walang Salungatan

SALUNGAT ba sa turo ng Bibliya na iisa ang tunay na Diyos kung sasabihin na si Jesu-Kristo ay “iisang diyos”? Hindi, sapagkat may mga pagkakataon na ikinakapit ng Bibliya ang katagang ito sa makapangyarihang mga nilalang. Sinasabi ng Awit 8:5 “Ginawa mo siyang [ang tao] mas mababa kaysa mga tulad-sa-diyos [Hebreo, ‘elo-him’],” alalaong baga’y, ang mga anghel. Sa pagtatanggol niya laban sa paratang ng mga Judio, na siya’sa paratang ng mga Judio, na siya’y nag-aangking DIyos, sinabi ni Jesus na “sa Kautusan ay ginagamit ang salitang diyos para sa mga dinatnan ng salita ng Diyos,” alalaong baga’y, mga hukom na tao. (Juan 10:34, 35, JB; Awit 82:1-6) maging si Satanas ay tinatawag na “diyos ng pamamalakad na ito” sa 2 Corinto 4:4.

Si Jesus ay mas mataas kaysa mga anghel, di-sakdal na mga tao, at maging kay Satanas. Yamang sila ay tinutukoy na “mga diyos,” mga makapangyarihan, tiyak na si Jesus ay maaari ding maging “isang diyos” at ganoon nga. Dahil sa pantanging katayuan niya kaugnay ni Jehova, si Jesus ay “Makapangyarihang Diyos.”- Juan 1; Isaias 9:6.

Subalit hindi ba ang “Makapangyarihang Diyos” na nasa malalaking titik ay nagpapahiwatig na kahit papaano si Jesus ay kapantay ng Diyos na Jehova? Hinding-hindi. Inihula lamang ni Isaias na isa ito sa apat na pangalan na itatawag kay Jesus, at sa Ingles ang mga pangalang ito ay nasa malalaking titik. At, bagaman si Jesus ay “Makapangyarihan,” iisa ang “Makapangyarihan-sa-lahat.” Ang pagtawag kay Jehova na “Makapangyarihan-sa-lahat” ay mawawalan ng kabuluhan kung walang tinatawag na mga diyos na nasa mas mababang katayuan.

Sa Bulletin of the John Rylands Library sa Ingglateriya sinasabi ng Katolikong teologo na si Karl Rahner na bagaman ang the-os’ ay ginagamit sa mga kasulatang gaya ng Juan 1:1 bilang pagtukoy kay Kristo, “sa alinman sa mga pagkakataong ito ang ‘theos’ ay hindi ginagamit upang ipakilala si Jesus bilang siya ring ‘ho Theos’ na tinutukoy sa Bagong Tipan, alalaong baga, ang Kataastaasang Diyos.” At idinadagdag pang Bulletin: “Kung ang mga sumulat ng Bagong Tipan ay naniwala na si Jesus ay dapat ipakilala ng mga alagad bilang ‘Diyos,’ papaano ipaliliwanag ang halos ay kawalan ng ganitong uri ng pagpapahayag sa Bagong Tipan?”

Subalit kumusta ang sinabi ni apostol Tomas na, ‘Panginoon ko at Diyos ko1” bilang pagtukoy kay Jesus sa Juan 20:28? Para kay Tomas, si Jesus ay “isang diyos,” lalo na sa makahimalang mga pagkakataon na nag-udyok sa kaniya na bumulalas nang gayon. Ayon naman sa ibang iskolar si Tomas ay malamang na gumawa ng madamdaming bulalas ng pagkamangha, na kay Jesus sinabi subalit sa Diyos ipinatutungkol. Alinman sa dalawang ito, hindi inisip ni Tomas na si Jesus ang Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat, sapagkat batid niya at ng mga apostol na si Jesus ay hindi kailanman nag-angking Diyos kundi itinuro na si Jehova lamang ang “iisang tunay na Diyos.”-Juan 17:3.

Muli, tumutulong ang konteksto sa pag-unawa. Ilang araw bago nito iniutos kay Maria Magdalena ng binuhay-muling si Jesus na sabihin sa mga alagad: “Aakyat ako sa aking Ama at inyong Ama at sa aking Diyos at inyong Diyos.” (Juan 20:17) Bagaman binuhay si Jesus bilang makapangyarihang espiritu, si Jehova pa rin ang Diyos niya. At ganito ang patuloy na pagtukoy sa Kaniya ni Jesus kahit na sa huling aklat ng Bibliya, pagkatapos na siya ay luwalhatiin.-Apocalipsis 1:5, 6; 3:2, 12.

Tatlong talata lamang pagkatapos mapabulalas si tomas, sa Juan 20:31, ang Bibliya ay nagbigay ng karagadagang liwanag sa pagsasabing ito: “Ito’y napasulat upang kayo’y sumampalataya na si Jesus ay Kristo, ang Anak ng Diyos,” hindi ang Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat. At ito ay literal na nangahulugan ng “Anak”, gaya ng sa likas na ama at anak, hindi bilang mahiwagang bahagi ng Trinitaryong pagka-Diyos.

Dapat Makasuwato ng Bibliya

INAANGKIN na marami pang ibang kasulatan ang umaalalay sa Trinidad. Subalit ang mga ito ay kahawig ng natalakay na, sapagkat kapag maingat na sinuri, ang mga ito ay hindi talaga nagsisilbing alalay. Ang mga teksto ay lumalarawan lamang sa pangangailangan na magtanong kapag nagsasaalang-alang ng alinmang inaangking alalay sa Trinidad: Ang pagpapakahulugan ba ay kasuwato ng di-nagbabagong turo ng buong Bibliya- na Diyos na Jehova lamang ang Kataastaasan?
Kung hindi, tiyak na mali ang pagpapakahulugan.


Dapat ding isaisip na wala ni isang “tekstong patotoo” na ang Diyos, si Jesus, at ang banal na espiritu ay iisa sa mahiwagang pagka-Diyos. Saanman sa Bibliya wala ni isang teksto ang nagsasabi na ang tatlo ay iisa sa sangkap, sa kapangyarihan, at sa kawalang-hanggan. Hindi nagbabago ang Bibliya sa pagpapahayag na si Jehova, ang Diyos na Makapangyarihan sa lahat, ang tanging Kataastaasan, at si Jesus ay ang kaniyang Anak na nlikha, at ang banal na espiritu ay ang aktibong puwersa ng DIyos.

*”Nagkamali ang mga sinauna sa paggamit ng [Juan 10:30] upang patunayan na si Kristo ay . . . kaisang sangkap ng Ama.-Commentary on the Gospel Accorting to John , ni John Calvin
*Si Jesus ay nanalangin sa Diyos tungkol sa kaniyang mga alagad na “silang lahat ay maging isa,” kung papaanong siya at ang kaniyang Ama ay “iisa”
*Ipinakita ni Jesus sa mga Judio na siya ay hindi kapantay ng Diyos, sa pagsasabi na siya ay ‘walang magagawa sa ganang sarili kundi yaon lamang nakikita niyang ginagawa ng Ama’
*Ang isa na may “kasama” ay hindi maaaring maging ang tao ring kasama niya.
*Ang Logos ay banal, hindi ang mismong banal na Maykapal.”-Joseph Henry Thayer, iskolar ng Bibliya
*Yamang sa Bibliya ang mga tao, ang mga anghel, at maging si Satanas ay tinutukoy na “mga diyos,” o mga makapangyarihan, si Jesus na nakatataas sa langit ay wasto ring tawaging “isang diyos”

Sambahin ang Diyos Batay sa Kaniyang mga Kondisyon

SI JESUS ay nanalangin sa Diyos: “Ito’y nangangahulugan ng buhay na walang-hanggan, ang pagkuha ng kaalaman tungkol sa iyo, ang iisang Diyos na tunay, at sa iyong isinugo, si Jesu-Kristo.” (1 Juan 17:3) Anong uri ng kaalaman? “Kalooban [ng Diyos] na lahat ng uri ng tao ay maligtas at sumapit sa wastong kaalaman hinggil sa katotohanan.” (1 Timoteo 2:4) Ganito isinalin ng The Amplified Bible ang huling parirala: “Alamin nang may katiyakan at kawastuan ang [banal na] Katotohanan.”

Kaya nais ng Diyos na siya at ang layunin niya ay makilala sa wastong paraan, kasuwato ng banal na katotohanan. At ang bukal ng katotohanang iyan ay ang Salita ng Diyos, ang Banal na Bibliya. (1 Juan 17:17; 2 Timoteo 3:16, 17) Kapag natutuhan nang wasto ang sinasabi ng Bibliya hinggil sa Diyos, naiiwasan ang pagiging gaya ng sinasabi sa Roma 10:2 3, na may “sigasig sa Diyos; ngunit hindi ayon sa wastong kaalaman.” O gaya ng mga Samaritano, na sinabihan ni Jesus: “Sinasamba ninyo ang hindi ninyo kilala.”-Juan 4:22.

Kaya, kung nais natin ang pagsang-ayon ng Diyos, dapat itanong: Ano ang sinasabi ng Diyos hinggil sa sarili? Papaano niya gustong sambahin siya? Ano ang kaniyang mga layunin, at papaano natin iaangkop ang sarili sa mga ito? Ang wastong kaalaman sa katotohanan ay magbibigay ng wastong sagot sa mga tanong na ito. Kung magkagayon ay maaari na nating sambahin ang Diyos batay sa kaniyang mga kondisyon.

Paglapastangan sa Diyos

YAONG nagpaparangal sa aki nay aking pararangalan,” sabi ng Diyos. (1 Samuel 2:30) Pagpaparangal ba sa Diyos ang pagturing sa iba bilang kapantay niya? Nagpaparangal bas a kaniya ang pagtawag kay Maria na “ina ng Diyos” at “Tagapamagitan . . . sa Maylikha at ng mga nilikha,” gaya ng ginagawa ng New Catholic Encyclopedia? Hindi, nakakainsulto sa Diyos ang mga paniwalang ito. Wala siyang kapantay; ni nagkaroon siya ng inang tao, yamang si Jesus ay hindi ang Diyos. At walang “[babaeng] Tagapamagitan,” sapagkat ang Diyos ay nag-atas lamang ng “iisang tagapamagitan sa Diyos at sa tao,” si Jesus.-1 Timoteo 2:5; 1 Juan 2:1,2.

Walang alinlangan, ang doktrina ng Trinidad ay nakalilito at nagpapalabo sa unawa ng tao hinggil sa tunay na katayuan ng Diyos. Humahadlang ito sa wastong pagkilala sa Pansansinukob na Soberano, ang Diyos na Jehova, at sa pagsamba sa kaniya batay sa kaniyang mga kondisyon. Ayon sa sinabi ni Hans Kung: “Bakit pa gugustuhin ng sinoman na lahukan ang paniwala sa pagiging-iisa at pagiging-tangi ng Diyos kung palalabuin o wawaling-kabuluhan lamang ang pagiging-iisa at pagiging-tanging ito?” Subalit ganito mismo ang ginawa ng paniwala sa Trinidad.

Ang mga naniniwala sa Trinidad ay hindi “kumikilala sa Diyos ayon sa wastong kaalaman.”(Roma 1:28) Sinasabi din ng talatang ito: “Pinabayaan sila ng Diyos sa kanilang masamang pag-iisip, upang gawin ang mga bagay na hindi nararapat.” Itinatala ng bersikulo 29 hanggang 31 ang ilan sa ‘di-nararapat’ na mga bagay na ito, gaya ng ‘pagpatay,kapanaghilian, pagtatalusira sa kasunduan, kawalan ng katutubong pag-ibig, kawalang-habag.’ Ito mismo ang ginagawa ng mga relihiyon na yumayakap sa Trinidad.

Halimbawa, malimit usigin at patayin ng mga Trinitaryo ang mga tumatanggi sa doktrina ng Trinidad. At masahol pa ang ginawa nila. Pumapatay sila ng mga kapuwa-Trinitaryo kung panahon ng digmaan. Mayroon pa bang mas ‘di-nararapat’ kaysa pagpatay ng Katoliko sa kapuwa Katoliko, Ortodokso sa kapuwa Ortodokso, Protestante sa kapuwa Protestante- sa pangalan ng iisang Trinitaryong Diyos?

Subalit, maliwanag na sinabi ni Jesus: “Sa ganito’y makikilala ng lahat na kayo’y aking mga alagad, kung kayo’y may pag-ibig sa isa’t-isa.”(Juan 13:35) Pinalalawak pa ito ng Salita ng Diyos, sa pagsasabing: “Sa ganito nahahayag ang mga anak ng Diyos hindi gumagawa ng katuwiran ay hindi mula sa Diyos, ni ang hindi umiibig sa kaniyang kapatid.” Ang pumapatay sa espirituwal na kapatid ay gaya ni “Cain, na nagmula sa balakyot [si Satanas] at pinaslang ang kaniyang kapatid.”-1 Juan 3:10-12.

Kaya, ang pagtuturo ng nakalilitong mga doktrina hinggil sa Diyos ay umakay sa mga paggawi na labag sa kaniyang mga kautusan. Oo, ang nagaganap sa buong Sangkakristiyanuhan ay gaya ng inilarawan ni Soren Kierkegaard, teologong taga-Denamarka: “Ang Kristiyanismo ay itinakwil ng Sangkakristiyanuhan nang hindi namamalayan ito.”

Ang espirituwal na kalagayan ng Sangkakristiyanuhan ay naaangkop sa isinulat ni apostol Pablo: “Sila’y nagpapanggap na nakikilala nila ang Diyos, ngunit itinatakwil siya dahil sa kanilang mga gawa, palibhasa’y mga kasuklamsuklam at mga masuwayin at hindi sinasang-ayunan sa alinmang gawang mabuti.”-Tito 1:16.

Hindi na magtatagal, kapag winakasan na ng Diyos ang balakyot na sistemang ito, ang Trinitaryong Sangkakristiyanuhan ay tiyak na papagsusulitin. At siya’y hahatulan dahil sa kaniyang mga gawain at doktrinang lumalapastangan sa Diyos.-Mateo 24:14, 34; 25:31-34; 41, 46; Apocalipsis 17:1-6, 16; 18:1-8, 20, 24; 19:17-21. Basahin po natin ito’ng mga libro na ito.

Itakwil ang Trinidad

HINDI maaaring ikompromiso ang mga katotohanan ng Diyos. Kaya, ang pagsamba sa Diyos batay sa kaniyang mga kondisyon ay humihiling ng pagtatakwil sa dokrina ng Trinidad. Sinasalungat nito ang itinuro at sinampalatayanan ni Jesus, ng mga apostol, at ng unang mga Kristiyano. Salungat ito sa sinasabi ng Diyos hinggil sa sarili sa mismong kinasihang Salita niya. Kaya, nagpapayo siya: “Alamin na ako lamang ang Diyos at walang ibang gaya ko.”-Isaias 46:9, TEV.

Ang mga kapakanan ng Diyos ay hindi napaglilingkuran kapag siya ay pinagmumukhang nakalilito at mahiwaga. Mentras nalilito tayo sa Diyos at sa mga layunin niya, lalo itong nagugustuhan ng Kaaway ng Diyos, si Satanas na Diyablo, ang ‘diyos ng sanlibutang ito.’ Siya mismo ang nagtataguyod ng ganitong huwad na doktrina upang ‘bulagin ang isipan ng mga hindi sumasampalataya.’(2 Corinto 4:4) At ang doktrina ng Trinidad ay naglilingkod din sa kapakanan ng mga pinuno ng relihiyon na gustong ipagpatuloy ang panunupil sa tao, sapagkat gusto nilang palitawin na mga teologo lamang ang maaaring umunawa nito.-Tingnan ang Juan 8:44.

Nakagiginhawa ang wastong kaalaman sa Diyos. Pinalalaya tayo mula sa mga turo na salungat sa Salita ng Diyos at sa mga organisasyon na nagtakwil dito. Gaya ng sinabi ni Jesus: “Makikilala ninyo ang katotohanan, at ang katotohanan ay magpapalaya sa inyo.”-Juan 8:32.

Sa pagpaparangal sa Diyos bilang kataastaasan at sa pagsamba sa kaniya batay sa sarili niyang kondisyon, maiiwasan natin ang hatol na malapit nang igawad sa apostatang Sangkakristiyanuhan. Sa halip, makakaasa tayo sa pagsang-ayon ng Diyos kapag nagwakas na ang sistemang ito: “Ang sanlibutan ay lumilipas at pati na ang masamang pita nito, subalit ang gumagawa ng kalooban ng Diyos ay mananatili magpakailanman.”-1 Juan 2:17.

No comments:

Post a Comment